• Home
  • Fresh Scoops
  • Nova Villa, Bella Flores, Randy Santiago, Richard Gomez pay tribute to Dolphy

Nova Villa, Bella Flores, Randy Santiago, Richard Gomez pay tribute to Dolphy

Dolphy's co-stars talk about how the Comedy King touched their lives in more ways than one.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

7/13/2012 9:35 AM
Nova Villa, Bella Flores, Randy Santiago, Richard Gomez pay tribute to Dolphy


071312-dolphy_main.jpgHindi matatawaran ang paghanga at respeto ng lahat ng artistang nakatrabaho ng Comedy King na si Dolphy. Sa isinagawang tribute ng ABS-CBN sa Dolphy Theater noong July 11, marami sa mga ito ang dumating upang makiramay at ipahayag kung paano ito nagbigay inspirasyon sa kanilang buhay.

Una na rito si Nova Villa na leading lady ni Dolphy sa sitcom na Home Along Da Riles at Home Along Da Airport sa loob ng 15 taon. Sinariwa niya ang kwela nilang samahan sa harap at likod ng kamera. Kaya naman kahit gustuhin niyang umiyak, hanggang sa necrological mass ay dala niya ang katatawanan na malaking bahagi ng pagkakaibigan nila ni Dolphy. “Gusto ko umiyak kasi hindi ako nakaiyak sa bahay kagabi dahil wala akong kasama. Parang shocked ako. I cannot imagine na wala na siya. Naalala ko pa yung saya namin sa Home Along Da Riles. Tapos tinext nila ako about the mass. Na-imagine ko na makikita ko na yung coffin, yung mga taong nalulungkot… Naisip ko, naku, dito na ako sasabog. Yun na yung kwento ko na nung pumasok ako, nung makita ko bulaklak pa lang [todo iyak na ako], akala ko si Tita Cory yung niyakap ko. Tapos may kumalabit sa akin hindi pala siya si Tita Cory, nyak! Sabi ko nga Tito Dolphs, ayaw mo ba kaming malungkot?

Ang sikat na kontrabida na si Bella Flores ay ibinahagi rin kung paano siya naging saksi sa kabaitan ni Dolphy. Mahigit 20 pelikula ang pinagsamahan nila kabilang ang James Batman (1966), Facundo Alitaftaf (1978) Darna, Kuno...? (1979) at John & Marsha ’80 (1980). “The latest picture we did together was Tataynic (1998), yung nag-tango kami at may kagat kagat ako na rose. Mami-miss ko sa kanya lahat. Kasi ibang klase yung pagkatao niya. I’ve been in the business for 60 years, wala siyang kapareho. Napakamatulungin niya, nagbibigay siya ng pagkain sa mga bata. Ganon siya kabait.

Naalala naman ni Direk Rowell Santiago na bata pa lang siya ay madalas na niyang makita si Dolphy sa tuwing may party sa kanilang bahay. Naging director kasi ni Dolphy ang ama ni Rowell na si Pablo Santiago sa ilang pelikula tulad ng Florante at Laura, Alamat Ng Ibong Adarna. “Ang mami-miss mo kasi the way they groom the stars before, ibang-iba. Nakakalungkot na nawala kasi star sila, pero at the same time approachable sila sa tao. Yung connection nila sa tao, ‘pag nasa shooting sila, kahit sa pinakamababang tao sa produksiyon, kilala nila. Yun siguro yung pinaka grabeng foundation siguro ng mga artista dati.”

Maswerte naman si Randy Santiago dahil nagkaroon siya ng pagkakataong maging director ni Dolphy sa ilang episodes ng sitcom na John en Shirley. Bukod dito ay kabarkada niya si Zsa Zsa Padilla kaya madalas din niyang nakakasama ang Comedy King. “Talagang na-high ako kasi yung mabigyan ka ng pagkakataon to direct the King of Comedy, malaking bagay sa akin. Very gracious siya. Ang industriya tutuloy yan. Madami na rin tayong action stars na nawala na. Pero ang maganda yung legacy na iniwan nila, yung magagandang asal para tuluran ng ibang artista.”

Maging si Richard Gomez ay hindi makakalimutan ang pinagsamahan nilang pelikula ni Dolphy na Once Upon A Time (1987). “Two weeks kami nagshooting out of town, I was very young then, I look up to him as a father and as a mentor. Hindi ko makakalimutan yung mga kwento niya sa buhay, nakakatawa talaga. He's a good person. Lagi niya sinasabi sa aming mga artista na nakatrabaho niya, kailangan mahalin mo ang industriyang ito. Kasi ito ang industriyang mamahalin ka kapag inalagaan mo.

Naiyak naman si Gladys Reyes noong una niyang malaman ang balita na sumakabilang buhay na si Dolphy. Ilang beses daw siyang nag-guest noon sa Home Along Da Riles at kahit sandali lang silang nagkatrabaho ay nasaksihan niya kung gaano kabait at napakamagiliw ni Dolphy. “Nung una nga akala ko hindi niya ako kilala e. Kaya nagulat ako nung tinawag niya ako sa first name ko. Yung pakiramdam na wow kilala pala ako ng isang Tito Dolphy. Makikita mo kahit na si Tito Dolphy na siya, yung pakikisama niya hindi nagbabago. Siguro yun ang dapat tandaan, hindi lang ng baguhang artista pero lahat ng katrabaho namin. Na importante na laging nakatapak ang paa mo sa lupa, gaano man kalaki ang achievement na natamo mo. Talagang saludo kami lahat sa kanya.

Relieve the music of Dolphy :
Handog Ni Pidol (A Lifetime of Music and Laughter) - Doplhy
The Best of Dolphy and Panchito - Dolphy & Panchito