Eric Quizon says his dad Dolphy passed away peacefully

Eric Quizon reveals that Dolphy's last words were words of love to his family.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/13/2012 9:32 AM
Eric Quizon says his dad Dolphy passed away peacefully


071312-eric_main.jpgIbinahagi ni Eric Quizon sa ilang press people ang mga huling sandali ng kanyang pumanaw na ama, ang Comedy King na si Dolphy noong Hulyo 10. Ikinuwento ng actor-director na ang mga huling salita na lumabas sa bibig ng kanyang ama ay salita ng pagmamahal sa kanyang pamilya. “Everyone was just saying, ‘I love you’ and from what I know he (Dolphy) said, I love you… his last words were ‘I love you also.’” Base raw ito sa mga kuwento ng kanyang mga kapamilya dahil wala si Eric sa tabi ng kanyang ama nang pumanaw ito.

Tiniyak din ni Eric na pumanaw nang payapa ang kanyang ama. “It was peaceful. I wasn’t there [when my dad passed away]. How I wish I was there, but according to my family members, to all my brothers and siblings, he passed [away] peacefully,” aniya. “There’s no pain, nothing. His eyes were closed and he just slowly moved to the light. Like I said, to the last minute he was fighting. He wanted to live, he wanted to be with us, but siguro hindi na kinaya ng katawan niya. He passed [away] peacefully naman. Walang paghihirap.”

Hindi lang ang buong Pilipinas ang nanlumo sa pagpanaw ng Comedy King dahil pati ang mga international news agencies kagaya ng CNN, New York Times at iba pa ay ibinalita ang pagpanaw ni Dolphy, kaya naman lubos ang pasasalamat ni Eric sa oras at atensyong ibinigay sa kanyang ama. “I’d like to think [that] my dad is bigger than life and with that, I guess he’s made such an impact with the Filipino people that other networks and international networks are covering [and] sympathizing with the nation. Like I said, nakakataba ng puso na ganito ang nangyayari. Parang it only goes to show how important this person is to the Philippines [and] how much respect he’s made for the country.”

Kahit na pumanaw na ang King of Comedy, nais ni Eric na maalala ang kanyang ama bilang alagad ng sining na nagbigay ng saya at tuwa sa mga tao. “Hopefully that people will remember him as a man who was a good actor, who was a good father, and a good human being. I think he embodies all of that and my dad has made a lot of people happy. He made a name for himself and he made all Filipinos happy, so sana when they remember him, whey they say Dolphy it would put a smile on their faces, make a joke or they would laugh.”

Relieve the music of Dolphy :
Handog Ni Pidol (A Lifetime of Music and Laughter) - Doplhy
The Best of Dolphy and Panchito - Dolphy & Panchito