Bago mag-alas otso ay nagsimula na ang pila ng mga ordinaryong mamayan para masilayan sa huling pagkakataon ang kanilang idolo.
Pormal na binuksan ang public viewing ganap na alas otso y medya.
Kasama na din sa bumisita sa Heritage Park nitong umaga ay mga politicians tulad nila Lito Lapid at dating unang Ginang Imelda Marcos.
Mamayang alas otso ng gabi ay nakatakdang magkaroon ulit ng misa para kay Dolphy.
Nakatakda ang paglibing ni Dolphy sa Linggo (July 15) sa nasabi ding lugar.
Ngayong gabi hanggang Sabaodo ay inaasahan ang patuloy na pagdagsa ng mga kapamilya, kaibigan at mga tagahanga para magbigay ng huling pagpupugay sa King of Comedy.
Nitong Miyerkules, nagsamasama ang ilan sa pinakamaiinit na bituin ng bansa sa ABS-CBN kung saan inilagi ang katawan ni Dolphy ng isang gabi.
Ilan sa mga namataang dumalo sa misa at eulogy ay ang cast ng "Walang Hanggan" na sila Richard Gomez, Coco Martin, Dawn Zulueta at Julia Montes.
Present din ang ilang mga politiko tulad nila Herbert Bautista at Loren Legarda. Ilan naman sa mga nakatrabaho ni Dolphy tulad nila Gio Alvarez at Nova Villa ay nakidalamahati din sa pamilya Quizon.
Relieve the music of Dolphy :
Handog Ni Pidol (A Lifetime of Music and Laughter) - Doplhy
The Best of Dolphy and Panchito - Dolphy & Panchito