Public viewing for Dolphy's remains set

The public can visit the Comedy King's remains at the ABS-CBN Dolphy Theater tonight.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

7/11/2012 11:47 AM
Public viewing for Dolphy's remains set


071112-dolphy1_main.jpgPumanaw ang Hari ng Komedya na si Dolphy Quizon sa edad na 83. Ayon sa medical bulletin na inilabas ng Makati Medical Center kung saan na-confine ang aktor sa loob ng tatlong linggo sinasabing multiple organ failure sanhi ng pulmonya at chronic obstructive disease ang sanhi ng pagkamatay ng aktor.

Nito lamang madaling araw ng Miyerkules dinala sa Heritage Park sa Taguig ang labi ng aktor kung saan ito inayusan. Suot ang puting sapatos at white suit nakatakdang dalhin ang labi ng aktor sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN para sa huling pagpupugay ng mga nakasama niya sa Kapamilya network.

Sa report ng ABS-CBN News itinakda na ang public viewing sa labi ng aktor simula alas nuebe ng gabi hanggang alas tres ng madaling araw sa Dolphy Theater. Mula naman Huwebes hanggang Sabado ay bukas sa publiko ang burol ni Dolphy mula alas otso ng umaga hanggang alas tres ng hapon.

Sinasabing nakatakdang ilibing ang batikang aktor sa Linggo (July 15) sa Heritage Park sa Taguig.

Hanggang sa pagyao ni Dolphy, malakas pa din ang usapin na ibigay na sa kanya ang National Artist award na matagal niyang hinintay.

Hindi naman mapatid ang pagpapaabot ng pakikiramay ng mga artista sa pamilya Quizon sa pamamagitan ng Twitter at Facebook.

Relieve the music of Dolphy :
Handog Ni Pidol (A Lifetime of Music and Laughter) - Doplhy
The Best of Dolphy and Panchito - Dolphy & Panchito