• Home
  • Fresh Scoops
  • Maja Salvador and Kim Chiu talk fondly about their friendship

Maja Salvador and Kim Chiu talk fondly about their friendship

Maja Salvador and Kim Chiu don't want to put a label on their friendship.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

7/11/2012 9:47 AM
Maja Salvador and Kim Chiu talk fondly about their friendship


071112-majakim_main.jpgSa isang pambihirang pagkakataon nakapanayam ng Push.com.ph nang sabay ang matalik na magkaibigang sina Maja Salvador at Kim Chiu. Napag-usapan ang pagkapanalo ni Maja sa Gawad Urian as Best Actress at ayon kay Kim, “Sobrang nakakaproud and sobrang, ‘Wow! Best Actress.’ Happy ako sa kanya at sa achievements niya at siyempre deserve naman niya yun sa sobrang dami nang pinakitang niyang de-kalibreng acting.”

Sagot ni Maja dito, “Sabi ko nga po kahit hindi ako manalo sa Urian, panalo ako sa suporta ng pamilya ko, ng mga kaibigan ko dahil lagi silang nandiyan kaya sobrang bonus po na nakasungkit ako ng Gawad Urian Best Actress Award.” Kwento pa nga ng dalawa, nalaman na lang daw ni Kim na nanalo ang kaibigan sa Urian dahil sa mga Voxer friends nila (isang mobile application chat) na kino-congratulate na nga si Maja at nang malaman na nga ito ni Kim, kwento ni Maj, “Ang haba ng message niya na sobrang haba nga na, ‘Wow!’ Siya ang nag-speech.”

Dahil din sa pagkapanalo ni Maja, inamin ni Kim na mas lalo siyang na-inspire dahil sa kaibigan at nais niya rin naman niya mabigyan din ng pagkakataon. Dagdag pa niya, “Pero siyempre mas deserve niya kasi nag-aaral pa lang ako artista na siya. Idol ko talaga siya dati, nasa audition tape ko yun.” Sagot naman ni Maja sa sinabing ito ng kanyang kaibigan, “Actually marami na ring awards na nakuha si Kim na Best Actress at kahit laging hindi naman kami nanalo ni Kim ng awards. Happy na kami na nanonominate na kami sa mga awards night. At saka itong Ina, Kapatid, Anak na gagawin namin iba talaga yung iooffer ni Kim. Dito sa teleserye kasi namin ibang Kim, mas palaban, so I am very excited kasi hindi na sweet ang makikita niyo, hindi na tweetums na Kim Chiu ang makikita niyo yun kaya dapat mkita niyo ang gagawin ni Kim sa Ina, Kapatid, Anak.”

At nang mapunta na nga sa usapin ng kanilang pagkakaibigan. Natanong ng Push ang dalawa na naisip ba nila na their friendship would go this far and sabi ni Kim, “Hindi ko alam basta nagchichikahan lang po kami, nagtatawanan lang po kami tapos yun na yun.” Kwento pa ni Maja sa naging development ng friendship nila, “Nagkakataon kasi na napagsasama kami sa teleserye tours abroad at sa ASAP din and hindi naman namin inexpect na ganito. Actually wala naman talagang label yung kung gaano kami ka close. Hindi naman namin linalabel na ‘best friends’ tayo kasi parang parehas kaming kinkilabutan pag sinasabing ‘best friends’ kami, yung parang close friends.” Dagdag pa niya sa samahan nilang magkaibigan, “Hindi kasi namin alam kung hanggang saan yung alam namin sa isa’t isa pero ‘pag may problema o kailangan ng kaibigan yun yung lagi kaming nandiyan sa isa’t isa.”

Kasi yung friendship naman namin di kami lagi nagkikita, wala lang,” ang bungisngis pang dagdag ni Kim.

Kwento pa ni Maja sa kung anong klaseng relasyon ang meron silang magkaibigan. “Yung friendship namin walang ineexpect sa isa’t isa. Hindi mo kailangang laging nandiyan para sa akin hindi yung tatawagan kita nandiyan ka. Basta kung ano yung pwede mangyari basta magkasama kami, yung labas kasi namin biglaan kunwari wala kaming sched ganyan o parehas ng pinagdadaanan tapos pag-uusapan. Actually di nga kami masyadong naguusap pag problems e more on happy happy lang tawanan lang ganyan lang. Masaya yung friendship namin.”