• Home
  • Fresh Scoops
  • Billy Crawford reveals how he got fitter while he was in France

Billy Crawford reveals how he got fitter while he was in France

Billy Crawford reveals that his motivation to pursue his international career and to look better is girlfriend Nikki Gil.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/11/2012 9:58 AM
Billy Crawford reveals how he got fitter while he was in France


071112-billy_main.jpgBumalik na si Billy Crawford pagkatapos ng pamamalagi sa France ng ilang buwan para gawin ang kanyang album. Isang lean and fitter Billy ang nasilayan pagbalik ng singer-host at ibinahagi niya na pinaghirapan talaga niya ang kanyang pangangatawan. “Happy ako na nandito na naman ulit ako, balik-trabaho, balik-saya and nakaka-miss din naman, pati ‘yung madlang people nakaka-miss, and ang ASAP. Actually, nakaka-miss din, sobrang mari-realize mo na sobrang lonely ka pa rin kapag wala ka sa Pilipinas.

Nag-training ako while I was there, sinulit ko na rin. Nag-one-and-a-half (months) ako ng athletic training, kasama ang kaibigan ko na trainor ko. Alangan naman bumalik ako na mas mataba. At least mas mabilis mag-lose don kasi walang kanin. Pero it was good to relax and concentrate and focus sa mga kanta at [may] realization na oo nga no, I was gaining weight and mataba ako and I had to try to lose weight and stay healthy.”

Hindi lang naging matipuno ang itsura ni Billy dahil pati raw ang kanyang pakiramdam ay bumuti. “I feel blessed, I feel healthier, lighter, parang bumata ang pakiramdam ko.”

Hindi niya itinanggi na malaking inspirasyon niya ang girlfriend na si Nikki Gil para talagang magpursige si Billy na subukan muli ang international career at magbawas ng timbang. “Si Nikki ‘yung motivation ko, ‘yung inspiration na nagplano ako at nag-try ulit na pumunta ro’n, at para sa akin din, of course. Siya ang inspirasyon para hindi kumain, kailangan mag-work-out.”

On the brighter side, may magandang naidulot din ang pagkakalayo nila ni Nikki dahil daw mas lalo nilang na-miss ang isa’t-isa. “It’s a refreshing experience. Hindi mo naman actually gugustuhin na malayo kayo sa isa’t-isa, pero once na malayo kayo sa isa’t-isa, ‘yun ang true test kung ang relationship n’yo is stronger na. Of course may times na mahirap, especially the first month. Sobrang hirap then after that, you kinda get used to it. Okay naman ang techonology natin ngayon. Kung gusto mo naman talagang mag-work ang relationship you will do everything you can to maintain it.”
 
Bukod sa Showtime at ASAP, ibinunyag ni Billy na naghahanda na sila sa susunod na season ng Pilipinas Got Talent.Magpi-prepare ako for PGT and of course, excited na excited ako na makatrabaho ulit si Lulu boy (Luis Manzano) so sobrang exciting lahat ang nangyayari dito. Of course I’ll be leaving sooner or later para mag-promote naman din dun sa France, pero hindi ko pa alam kung kelan.”

Natapos na raw niya i-record ang kanyang music album. “Of course babalik ulit ako don for promotion pero as of now, hindi ko pa alam kung kelan. Now, dito muna ako until October.” Laman daw ng kanyang album ay mga kanta na upbeat, pop at R&B songs.

Sobrang na-touch din daw si Billy dahil may mga fans na sumalubong sa kanya pagdating pa lang sa airport. “Ewan ko kung paano nila nalaman na andun ako. Sa airport pa lang may mga dumating. There was this girl named Alex, dumating siya do’n at kasama ‘yung mga barkada niya and sobrang nakakatuwa naman at naaalala pa rin nila ako at sinusuportahan at alam kong sobra ang pasensya nila. Matagal na akong nawala ro’n pero ‘yung pagbabalik ko at least tinatanggap nila ako.”