• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson denies 'secret relationship' with Sarah Geronimo

Gerald Anderson denies 'secret relationship' with Sarah Geronimo

Gerald Anderson reacts to rumors that Sarah Geronimo's mom found out about their 'secret relationship.'

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

7/10/2012 10:00 AM
Gerald Anderson denies 'secret relationship' with Sarah Geronimo


071012-gerald_main.jpgUsap-usapan na pinahinto na si Gerald Anderson sa panliligaw kay Sarah Geronimo ng ina ng huli na si Mommy Divine dahil nabisto raw nito na lihim na magkarelasyon na umano ang dalawa. Ngunit itinanggi ng aktor na kinausap siya ng ina ni Sarah tungkol sa nasabing isyu. ”Ah, wala naman po. Sa ngayon focus ako sa pagiging friends namin para mas maging malalim pa [ang pagkakaibigan namin]. Hindi po kami magboyfriend-girlfriend [ni Sarah],” umpisang pahayag ni Gerald sa panayam ng Cinema News at Push.com.ph sa kanya sa ASAP noong linggo, July 8.

Ipinaliwanag din ni Gerald na kaya siya hindi nakakadalaw sa bahay ng mga Geronimo ay dahil sobrang busy ni Sarah, lalo na’t may dalawang magkasunod itong concert ngayong buwan. ”Well, siyempre, lately sobrang busy ni Sarah. Ayoko naman istorbohin yung tao. Siyempre ang dami niyang ginagawa. I’m just here to support her. Kung ano mang suporta at tulong ang pwede kong ibigay sa kanya para mas ma-inspire siya [ibibigay ko].”

Kung halimbawang pahintuin siya sa panliligaw kay Sarah, titigil ba siya o mas papatunayan niya sa mga magulang ng singer-actress na karapat-dapat siya para rito? ”Sana po by now nakita naman po nila na wala akong masamang intensyon. Niligawan ko po si Sarah dahil gusto ko talaga siyang ligawan. Hindi para sa mga tao, hindi para sa mga fans sa paligid ko, kundi para sa akin,” sagot ni Gerald na bukas at halatang sinsero sa pag-amin tungkol sa nararamdaman niya para sa dalaga.

Ipinagtanggol din ni Gerald ang ina ni Sarah na maaaring maging tampulan na naman ng kritisismo dahil sa paghihigpit nito sa Popstar Princess. ”Alam mo, si tita, kailangan natin intindihin baby po niya talaga si Sarah. kailangan po natin respetuhin yung pagmamahal at suporta na ibinibigay niya.

Dagdag pa ni Gerald, kuntento siya sa pagiging magkaibigan nila ni Sarah. At very proud siya na sabihin na good influence talaga ito sa kanya. ”Si Sarah po ang daming itinuro sa akin, ang dami niyang itinurong mga bagay bagay na kailangan ko ma-realize muna. Dati sinabi ko sa TV na kulang na lang sa akin girlfriend, na gusto ko na magka-girlfriend. Sabi sa akin ni Sarah mismo na I should be content with what I have now. Maging happy muna ako para mas makilala ko ang sarili ko. I took that to heart. ‘Wow! Oo nga no.Dun sa panliligaw ko sa kanya ang dami kong natutunan about myself, about her, about life.”

Base sa mga sinasabi ni Gerald, mas pinapatunayan niya kung gaano niya kamahal si Sarah dahil ayaw niyang mawala ito sa kanya bilang kaibigan. Kaya grabe rin ang respeto niya sa mga magulang nito. ”One day, alam mo yun, kung mas maging matured kaming pareho, maybe then pwede na kaming pumasok sa relasyon. Sa ngayon hindi pa po talaga. Ang dami ko pang kailangang i-prove at ayusin sa sarili ko, sa pamilya ko. Like I said, mas mahalaga sa akin yung maging mabuting kaibigan niya. Ayoko po masira yun. Madami akong natutunan sa kanya. I want to be her friend forever. Siguro magiging kumplikado ‘pag naging kami, ang dami kong natutunan, sayang [yun].”

Ganunpaman, saksi ang Push.com.ph na talaga namang may tiwala si Mommy Divine kay Gerald dahil hinayaan nitong ipahayag ng aktor kung anong nararamdaman niya para kay Sarah noong makapanayam namin ang dalawa kamakailan. “Yung tiwalang ibinigay nila kahit yung dumalaw sa bahay nila, sobra po akong privileged na pinayagan ako, siyempre malaking bagay for her family. I’m just very thankful na mas nakilala ko na sila. Si tita talaga kailangan po natin intindihin na kumbaga, baby nila yun. Right now, ina-assure ko po sila, si tita, si tito daddy ni Sarah na I’m her friend talaga and yun ang pinakaimportante ngayon.”