PBB Teen ex-housemate Alec Dungo says he is not gay

The latest evictee of PBB Teen Edition 4 speaks up and answers all the issues that concern him.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

7/1/2012 11:10 PM
PBB Teen ex-housemate Alec Dungo says he is not gay


070212-alec-main.jpgNaging guest kahapon si Alec Dungo, ang pinakabagong evictee ng Pinoy Big Brother Teen Edition 4 at sinagot ang mga isyung idinidikit sa Laguna pride. Marami rin ang nagulat sa pagkaka-evict ni Alec dahil isa siya sa mga strong contender in this PBB edition. 

Ang unang tinanong ng guest co-host na si Vice Ganda kay Alec ay ang tila mahinang pangangatawan ni Alec. Nabigyan ng chance si Alec kasama ang dalawa pang housemate (Roy at Jai) na magkaroon ng Big Jump sa Big Night subalit si Alec ang unang natalo sa nasabing challenge. Si Roy ang nagwagi kaya automatic na siyang pasok sa Big Four. Nabigyan din noon ng chance si Alec na magkaroon ng immunity subalit natalo uli siya sa challenge at nag-collapse. 

May mga challenges na sa una okay naman ang nararamdaman, (pero) habang tumatagal especially pag mainit, mabilis akong mahilo,” depensa niya.

Kahit na na-evict man si Alec, sinisikap pa rin daw niyang maging optimistic.  “Mas tumitingin ako sa brighter side ng bagay. May book kasi ako na laging binabasa sa loob ng Bahay (ni Kuya). Parang ‘follow your heart’. Natutunan ko sa book na sa lahat ng nangyayari sa buhay, you don’t judge a situation as good or bad. Who knows if it’s good or bad? Napalabas nga ako sa Bahay ni Kuya, hindi pala para sa akin ang Big Four pero baka may mga opportunities na darating.”  

Sa mga natitira pa sa bahay, si Roy ang pick ni Alec na deserving maging PBB Big Winner. “He is someone na mas iniisip niya ang kapakanan ng co-housemates niya bukod sa sarili niya and kapag may challenges, makikita n’yo ang determination niya sa lahat ng ginagawa niya,” ani Alec. 

Nilinaw rin niya na hindi niya ginagamit si Jai, ang isa sa mga kambal para lang magkaroon siya ng loveteam sa loob ng PBB house. “Alam siguro ng lahat na simula pa lang na naka-goggles (task ni Kuya sa male housemates pagpasok sa Bahay) napansin ko na agad ang mabuting loob (ng kambal). Kasi naka-goggles so wala talagang nakikita. Napaka-thankful ko po sa task ni Kuya kasi du’n makikilala mo talaga ang tao sa ugali, hindi sa physical appearance,” paliwanag ng binata. 

Mabilis din ang naging tugon ni Alec nang direkta siyang tanungin ni Vice kung bakla ba siya. “Ang gay sa dictionary ibig sabihin happy. Yes I’m happy but I’m not gay.” 

Samantala, magaganap ang PBB Big Night this coming Saturday, July 7, sa Malolos, Bulacan Convention Center.