Jovit Baldivino confirms breakup with girlfriend

Jovit Baldivino says his breakup with Laurice Bermillo of Star Power was a mutual decision.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

6/30/2012 10:38 PM
Jovit Baldivino confirms breakup with girlfriend


070112-jovit-main.jpgSa ginanap na mini press conference para sa album launch ni Jovit Baldivino, inamin ng singer na hiwalay na nga sila ng girlfriend na si Laurice Bermillo na naging contestant ng Star Power Search for the next Female Pop Superstar. Ayon kay Jovit, “Kakahiwalay lang po namin last four months.” At nang matanong kung ano ang naging dahilan ng kanilang breakup, “Ang hirap po kasi ng sitwasyon e long distance.”

Ayon sa singer, naging mutual naman ang desisyon ng kanilang hiwalayan at napag-usapan nilang mas makabubuti ito sa kanila. “Napag-usapan lang po namin. Kasi parang ang hirap po e kung kami po talaga maghihintay naman po.”

Naganap ito nung nagkaroon ng concert tour sa Canada si Jovit kung saan naninirahan din ang dating kasintahan. “Opo nandun po kami. Nag-usap naman po kami, parang nagka-ano lang kami. Hindi naman po pwede na may pinagsamahan kayo tapos babalewalain mo lang.”

Nagkabiruan pa nga nang may nagtanong na isang press kung nakipaghiwalay ba si Jovit right after the concert pero sinagot pa rin naman ito ng singer. “Hindi naman po parang after po ng show nga po nilalambing-lambing ko pa siya kasi namiss ko po e.”

Samakatuwid ay di niya akalaing nandun at nanood si Laurice ng kanyang concert, inimbitahan pa nga niya daw ito on-stage at nag-duet pa sila.

Natanong din si Jovit kung may third party bang involved sa kanilang hiwalayan lalo pa at maraming issues na kumakalat na nagiging babaero na daw diuamano siya. Itinanggi naman ito ng binata.