Gerald Anderson reunites with Kim Chiu in a movie

Gerald Anderson shares that he is excited to work with Kim Chiu again after their last movie together two years ago.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

6/30/2012 1:34 AM
Gerald Anderson reunites with Kim Chiu in a movie


063012-gerald-main.jpgAyon kay Gerald Anderson, wala pa raw siyang naka-schedule na teleserye pero dalawang movies ang kanyang pinagkakaabalahan sa ngayon: isa ay indie movie habang ang isa naman ay full-length film para sa 20th anniversary ng Star Magic.

Tinatapos ko pa ‘yung indie film tapos sinu-shoot namin ‘yung Star Magic movie namin ni Kim (Chiu),” ani Gerald. Reunion movie ito nina Kim at Gerald after nakalas ang kanilang love team.

Since kakaumpisa pa lang ng kanilang shooting ay wala pa silang masyadong eksenang nakukunan ni Kim pero in the coming days ay inaasahang mapapadalas na ang kanilang pagtatrabaho.

Sa tanong kung excited ba siya ulit na makatambal sa isang project si Kim, ang mabilis na sagot ni Gerald, “Oo naman. Kelan ba ‘yung huling project namin? Medyo matagal-tagal na. So siyempre excited ako na makatrabaho siya ulit.” Ang huling pelikula ng dalawa ay ang ‘Till My Heartache’s End noong 2010.

Ang tinutukoy na Star Magic anniversary movie ay may all-star cast. “Marami kami tapos madami kaming artista, konektado kami sa isa’t-isa,” pahayag ni Gerald.

Samantala, masayang-masaya naman ni Gerald sa takbo ng career ni Kim ngayon at isa siya sa mga sumusuporta sa magandang team-up nina Kim at Xian Lim. “Bago nag-start ang taping ng My Binondo Girl ako nagsabi kay Kim, ‘Feeling ko kayo ang magdadala ng show.’ Ang lakas ng chemistry [nila]. Si Xian, ang tagal ding naghintay sumikat. ‘Yun na pagkakataon niya.

Just like in his other interviews, safe ang sagot ni Gerald nang tanungin tungkol sa posibilidad na maaaring may namamagitan na kina Kim at Xian. “Labas na po ako don. Kumbaga mahirap na [ang magsalita]. Ang wish ko lang maging masaya siya (Kim) period. Kung ano man ‘yon.”