• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Padilla denies that he's possessive of Kathryn Bernardo

Daniel Padilla denies that he's possessive of Kathryn Bernardo

Daniel Padilla reacts towards Kathryn Bernardo's new admirers; maintains that she remains as the only special girl in his life.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

6/29/2012 10:03 AM
Daniel Padilla denies that he's possessive of Kathryn Bernardo


062912-daniel_main.jpgAminado si Daniel Padilla na madaming teen actors ngayon ang malaki rin ang paghanga kay Kathryn Bernardo. Ibig sabihin ay may mga kaagaw na siya sa pagdating sa atensyon nito. Pero wala naman daw siyang karapatan na maging possessive sa dalaga. “Huwag naman haharangan. Hindi naman [babakuran] kasi parang inaangkin ko na wala pa naman talaga kaming something. Pero mahirap dun kapag may nagkakagustong iba [sa kanya] kasi malay mo magustuhan din niya,” ani Daniel ng makapanayam siya ng Push.com.ph sa music video shoot ng ”Prinsesa” noong June 27.

Nagbiro pa si Daniel na kunyari ay lagot sa kanya ang sino mang magtangkang manligaw kay Kathryn. “Wala naman akong magagawa dun. Hindi naman po nila maiiwasan na magkagusto kay Kathryn. Pero...huh! [lagot sila sa akin].” Isang bagay naman na siniguro niya sa amin ay wala siyang ibang babaeng gusto kundi ang kanyang Princess And I co-star. Wala raw katotohanan ang mga balitang madaming babae ang humahabol sa kanya. “Hindi ako matinik sa tsiks. Talagang yun nga po. Huwag [niyo] na ako tanungin [tungkol sa ibang babae] kay Kathryn na lang.”

Ano sa physical traits ni Kathryn ang pinakanagustuhan niya? “Siguro yung mata niya. Wala kasi, talagang ano e, yung mata niya pinapakita niya yung emosyon niya e. Ewan ko, lahat, nakyu-kyutan ako kay Kathryn.” Ngunit bukod sa panlabas na anyo ay inamin niyang ang dalaga lang ang tanging nakakapagpangiti sa kanya pag lumalabas ang pagiging temperamental niya. “Inamin ko din po yun na mainitin ang ulo ko. Minsan lagi lang akong [nakakunot ang noo, lumiliit ang mata] pero minsan lang naman. Basta ‘pag nandiyan na si Kathryn, kunyari problemado ako, biglang ’Ehem!’ Okay na yung mata ko, nakangiti na ako.”

Nang tanungin namin kung ano na ba ang estado ng kanilang relasyon, hindi pa naman daw sila nagsabihan ng ”I love you,” ngunit umaasa siyang may pagtingin din para sa kanya si Kathryn. ”Hindi ko alam kung MU (mutual understanding) tawag dun, pero sana MU nga ang tawag dun. MU, kumbaga nagkakaintindihan kayong dalawa pero hindi kayo.” Hindi rin naman daw niya natanong si Kathryn kung mag-MU na nga sila. Kaya tanging mensahe na lang niya para rito: “Gusto ko magpasalamat kay Kathryn dahil isa siya sa inspirasyon ko at nandiyan siya bilang kaibigan para sa akin.”