• Home
  • Fresh Scoops
  • Gerald Anderson denies claims that he has already stopped pursuing Sarah Geronimo

Gerald Anderson denies claims that he has already stopped pursuing Sarah Geronimo

Gerald Anderson reveals that he and the Pop Star Princess Sarah Geronimo still communicate everyday.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

6/27/2012 11:00 AM
Gerald Anderson denies claims that he has already stopped pursuing Sarah Geronimo


062712-gerald_main.jpgSa isang interview ay sinabi ni Sarah Geronimo na ang nagustuhan niya kay Gerald Anderson ay hindi ang kanyang pisikal na kaanyuan kundi ang kanyang mabuting pagkatao. Ganito rin ang sinagot ni Gerald sa isang recent interview at idinagdag niya na importante na kinikilala talaga ang tao nang husto. Muli sinagot ni Gerald ang patuloy na ispekulasyon na may namamagitan na talaga sa kanila ng Pop Princess pero inililihim lang.

Sa ngayon medyo mahirap ‘yon kasi medyo busy. Kailangan din nating isipin ang maraming bagay. Ang pamilya ko, pamilya niya, trabaho niya, trabaho ko. Kumbaga dapat may chance kayo para [mas] makilala ang isa’t-isa.”

Nabanggit din ni Sarah na ikinatutuwa niya na kayang harapin ni Gerald ang mga magulang ng singer-actress. Masaya din naman si Gerald na nagagawa niyang makausap ang mga magulang ni Sarah. “Kung naa-appreciate nila ako, mas lalo na po ako at binigyan nila ako ng pagkakataon. Sobrang naa-appreciate [ko] na binigyan ako ng chance na mas makilala si Sarah at sila.

“I’m very thankful. Hindi po ako nagmamadali at mas nakilala ko siya na sa ibang level and ayoko po sirain ‘yon. Ayoko po i-take advantage. Mahirap pong i-explain na sobra kaming masaya sa estado namin ngayon,” diin ng aktor.

Gayunpaman, may lumabas ding balita kamakailan na tumigil na raw si Gerald sa pagsuyo kay Sarah. Matatandaang noong premiere night ng Born To Love You ay magkahiwalay na dumating sa event ang dalawa at sinabi pa ni Sarah na hindi niya alam na dadalo doon si Gerald.

Tugon naman ni Gerald sa isyung tumigil na siya sa pagligaw kay Sarah. “Wala pong hinto. Kumbaga ang communication namin ni Sarah everyday pa rin naman. Siyempre alam naman natin na sobrang busy [niya]. Sarah is a superstar. Kumbaga meron kaming kanya-kanyang schedule. Hindi lang po natin kayang gawin lahat ng gusto nating gawin para sa isang tao. I’m just really happy kung anong meron kami ngayon.”

Idiniin ni Gerald na nauunawaan niya si Mommy Divine kung ang gusto niya para kay Sarah ay isang non-showbiz guy. Ani Gerald, hindi talaga simple na magkaroon ng relasyon taga-showbiz dahil nawawala ang privacy nito. “Kasi napakahirap at napakapersonal at mawawalan talaga ng privacy sa trabaho namin,” dugtong niya.

Pero umaasa si Gerald na sana ay napatunayan na niya sa mga magulang ni Sarah ang kanyang mabuting intensyon at maipabatid ang hangarin niyang mas lalong makilala bilang kaibigan ang singer-actress. “Hindi kayo pwedeng pumasok sa isang relasyon... Ito ang itinuro sa akin ni Sarah, i-base mo na magustuhan muna ang friendship n’yo. ‘Yun ang gusto kong gawin. At the end of the day, kung maging friends lang po kami, I’m so proud na I had a chance na mas makilala siya.”