Slater Young now OK after minor car accident

The PBB Unlimited Grand Winner says he is well and only sustained minor injuries.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

6/26/2012 4:23 PM
Slater Young now OK after minor car accident


062612-slater-main.jpgNasa maayos nang kalagayan ngayon si Slater Young, grand winner ng Pinoy Big Brother Season 4 matapos itong maaksidente Lunes ng madaling araw.

Sa kanyang Twitter account, inamin nitong nabangga ang kotseng kanyang sinasakyan habang pauwi siya sa kanilang bahay sa Cebu.

"Had a minor accident sa car.. Twisted my foot. Galing ako sa xray.. Thank God bruised lang! :) have to use crutches for a few days though," ani Slater.

Sa report ng "Umagang Kay Ganda" nitong Martes, inamin ni Slater na inaantok siya habang nagmamaneho pauwi sa kanilang bahay ng bigla siyang mag-preno para iwasan ang isang gate.

Aniya, nakauwi siya gamit pa din ang parehong sasakyan at mga magulang na niya ang nagdala sa kanya sa isang ospital.

"Thanks for the well wishes guys! Im home na. Sinamahan ako ng mom and dad ko kanina sa hospital. Sweet nila. :) @original_slater @YoungSalome," dagdag ni Slater sa Twitter.

Maliban sa cold compress, pinayuhan din si Slater ng doktor na magsaklay muna habang pinagagaling ang namagang paa.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Slater sa lahat ng mga tagasuportang agad  namang nagpaabot ng pagaalala.

"I have the sweetest supporters.. :) Happy Happy! :)"