• Home
  • Fresh Scoops
  • Is there still competition between Piolo Pascual and Jericho Rosales?

Is there still competition between Piolo Pascual and Jericho Rosales?

Having been in the business for quite some time, Piolo Pascual and Jericho Rosales share that they have outgwown competition.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

6/24/2012 10:49 PM
Is there still competition between Piolo Pascual and Jericho Rosales?


062512-piolo-echo1-main.jpgSa The Buzz nitong Linggo ay naging guests sina Piolo Pascual at Jericho Rosales upang imbitahan ang mga manonood sa nalalapit na pagtatapos ng teleseryeng Dahil sa Pag-ibig, which is down to its last five episodes. 

Naitanong din sa dalawang aktor kung may kumpetisyon pa ba sa kanilang dalawa. 

Unang sumagot si Piolo. “Siguro kung naibigay sa amin ito (project) five years ago (or) 10 years ago when we were younger, siguro mapi-feel mo ‘yung competition. ‘Pero now nagma-mature kami sa edad at showbiz, it’s become more relaxed,” paliwanag ng aktor. “Parang sa aming dalawa hindi mo maramdaman na magkahenerasyon kami, magka-batch kami. Ang laking advantage na matagal na kami sa industriya at hindi na namin kailangang makipagkumpitensya sa isat-isa. Ang imporante nagbibigayan kami. Maganda na nagkatulungan kami at hindi kami nag-compete sa isat-isa.” 

Sinegundahan naman ito ni Echo at sinabing sa mga eksena pa lang nila ni Piolo ay mararamdaman na nagtutulungan sila. “Simula pa lang ng show namin sinasabi na sa amin baka may kompetisyon. Kung magpapataasan kayo habang gumagawa kayo ng eksena, pangit, lalabas talaga (sa eksena),” paliwanag ni Jericho. “I said before bago namin tinanggap ang show na teamwork talaga ang kailangan. Kailangan ng magandang partnership para maganda ang lalabas (at) ‘yun nga ang lumabas.” 

Nagtanong din sa buhay-pag-ibig ang host na si Charlene Gonzales sa dalawa. Kahit medyo nag-alinlangan, sinagot din ito ni Echo at sinabing masaya siya sa piling ng girlfriend na si Kim Jones. Kumpara sa iba niyang naging girlfriends, sinabi ni Echo na kahit ang mga taong nakapaligid sa kanya ay maganda ang sinasabi tungkol sa kanyang girlfriend. “Sa lahat naman ng girlfriends mo you hope for the best, but this one medyo I can see my fans and family lahat sila isa lang sinasabi, ang gaan-gaan niyang (Kim) kasama.” Marami rin daw silang things in common ni Kim kagaya ng surfing, arts at traveling.  

Mas tipid naman ang sagot ni Piolo na nilihis ang usapan nang tanungin ni Charlene sa lagay ng kanyang puso. Mas pinagkakaabalahan daw ngayon ni Piolo ang trabaho na nakatakdang gumawa ng pelikula with Kris Aquino at isang teleserye with Angelica Panganiban. Nakakaintriga pang pahayag ni Piolo, “Magtrabaho na lang tayo ng magtrabaho.”