• Home
  • Fresh Scoops
  • Eric Quizon says dad Dolphy is still in critical condition but vital organs have improved

Eric Quizon says dad Dolphy is still in critical condition but vital organs have improved

Eric Quizon says his father is still in the ICU but their family remains positive that Dolphy will get better.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

6/24/2012 11:08 PM
Eric Quizon says dad Dolphy is still in critical condition but vital organs have improved


062512-eric-main.jpgSa The Buzz ay live na nagsalita si Eric Quizon para magbigay ng update sa kondisyon ng kanyang ama na si Dolphy mula sa Makati Medical Center. Earlier that day ay may lumabas kasing balita na out of the intensive care unit (ICU) na raw ang King of Comedy. 

Nasa loob pa rin ng ICU, kagagaling lang sa kanyang operasyon na tracheostomy (operation para lumikha ng airway sa leeg through the windpipe). Kailangan obserbahin pa rin siya. Nasa critical condition pa rin ang tatay ko, although like I said earlier, all of his vitals ay nagi-improve, So it’s all positive for us. Kaya kaming pamilya Quizon ay medyo nakakahinga kami nang konti ngayon,” pahayag ni Eric. 

Dagdag pa ni Eric malaking bagay raw na isang malaking pamilya sila dahil marami silang nagtutulungan. “Marami kaming nagsusuportahan sa isat-isa, kumbaga parang kung meron kaming hinanaing, kung meron nagiging emosyonal, maraming nagko-console.” 

Sa kasalukuyan daw ay 15 na silang magkakapatid ngayon na nasa bansa dahil umuwi ang iba na naka-base sa US at uuwi rin ang iba nilang kapatid na naroon pa. Nariyan din daw si Zsa Zsa Padilla na partner ni Dolphy, kaya marami silang nagtutulong-tulong. “Kahit paano we’re able to cope up with what we’re going through. Ang maganda dito we’ve been getting a lot of positive signs. Ito ang mga senyales na big boost sa amin. Nitong mga nakaraang araw sobrang stressed dahil sa mga news na nakukuha namin,” kuwento ni Eric.

Itinanong din ni Boy Abunda kay Eric kung nakakaramdam ng sakit si Dolphy lalo pa’t pagkatapos ng operasyon ay dumaan din ang aktor sa dialysis. “The reason the whole family opted for trachiostomy kasi alam namin na makaka-relieve ito sa any discomfort na nararamdaman ng daddy ko. Wala na sa bibig ang tube, (kundi) nasa leeg. Alam namin na isang malaking luwag sa kanyang kalooban at kanyang paghinga itong paggawa ng operasyon na ito.”  

Lahat daw silang magkakapatid ay nagsasalitan sa pagbabantay kay Dolphy at willing na isantabi ang pahinga lang mabantayan si Dolphy. “It’s all good news for now. Sana magpatuloy ang good news na ito,” ani Eric at nakiusap na sana raw ay ipagpatuloy pa ng mga nagmamalasakit kay Dolphy ang pagdarasal para sa kanyang pag galing.