• Home
  • Fresh Scoops
  • Cristine Reyes to sister Ara Mina: 'Kung gusto mo luluhod ako sa harapan mo'

Cristine Reyes to sister Ara Mina: 'Kung gusto mo luluhod ako sa harapan mo'

The actress shares that she has become a better person because of the trials that she went through.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

6/24/2012 11:19 PM
Cristine Reyes to sister Ara Mina: 'Kung gusto mo luluhod ako sa harapan mo'


062512-cristine-main.jpgDahil sa pag-ibig sa pamilya ay handa raw si Cristine Reyes na gawin ang lahat. “Actually, kaya ako nandito (sa showbiz) para sa pamilya ko, para mabigyan sila ng mabuting buhay. Lalong-lalo na ang mommy ko,” paliwanag ng aktres. 

Sumunod na tanong ni Boy Abunda ay tungkol sa isyu ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni Cristine at nakatatandang kapatid na si Ara Mina. Matatandaang nagkaroon ng hidwaan ang dalawa some months ago kung saan nakapagbitaw pa ng maaanghang at masasakit na salita si Cristine sa kanyang ate. Umabot pa nga sa puntong idinemanda na ni Ara si Cristine. 

“I’m sorry and I would like to apologize if ever I offended you (o) sumama ang loob mo sa akin,” simula ni Cristine na halatang nilalabanan ang pag-iyak. “I tried my best na pumunta sa ‘yo. Alam mo ‘yan, ate. Sinabi ko pa sa ‘yo kung gusto mo luluhod ako sa harapan mo, noon-noon pa ito. Sana lumambot na ang puso mo sa akin para maayos na itong gulo, para tahimik na, para sa ikakatahimik ng pamilya natin.” 

Idinugtong pa ng aktres na pinipilit niyang huwag maiyak dahil ayaw niyang ilabas ang emosyon niya sa telebisyon. “Gusto ko maging positive talaga,” paliwanag niya. 

Dugtong pa ni Cristine, marami raw siyang natutunan sa hamon na ito sa kanya. “Sa lahat ng experiences, sa lahat ng troubles sa buhay, na-realize ko na wag tayong susuko,” pahayag niya. “Sa bawat trouble, problema (ay) may natutunan ako. Du’n ako lalong tumitibay at kasama siya sa buhay. Boring ang buhay pag walang problema. Lahat ng tao dumadaan d’yan. Mas lalo akong tumibay, mas lalo kong nakita ang mga taong and’yan sa tabi ko. Mas lalo akong napalapit kay God.” 

Samantala, sa nalalapit na pagtatapos ng Dahil Sa Pag-ibig, sinabi ni Cristine na marami siyang natutunan sa kanyang mga co-stars na sina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Maricar Reyes at Christopher de Leon. “Andami ko pang dapat pag-aralan and kailangan ko pang pag-aralan ang pag-arte dahil nung nakatrabaho ko sina Piolo, Jericho, Tito Boyet and marami pang iba, effort talaga ako dito,” pag-amin niya.  Mahal daw niyang tunay ang kanyang role bilang si Jasmin Valderama.