• Home
  • Fresh Scoops
  • Ella Cruz hopes to work with Kathryn Bernardo and Julia Montes

Ella Cruz hopes to work with Kathryn Bernardo and Julia Montes

Ella Cruz is thankful to contemporaries Kathryn Bernardo and Julia Montes for inspiring her to reach for her dream.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

6/23/2012 11:13 PM
Ella Cruz hopes to work with Kathryn Bernardo and Julia Montes


062312-ella-main.jpgTanging pasasalamat ang laging sinasambit ni Ella Cruz sa patuloy na pagtaas ng ratings ng Aryana sa mga nakalipas na episodes. “Siyempre po sobrang saya ko po, sobrang flattered and super thankful po ako sa mga suporta [mula] kay God, sa mga fans. Talagang wala po akong ibang masabi kundi thank you kasi hindi ko po inaasahan na magiging ganun ang ratings namin,” pahayag ng dalaga sa thanksgiving press conference ng fantaserye.

Ganunpaman patuloy pa rin ang pagkukumpara kay Ella kina Julia Montes at Kathryn Bernardo na tila mga primetime princesses ngayon ng ABS-CBN. “Hindi po maiiwasan ‘yon pero para sa akin hindi ko nakikita na kumpetisyon kasi silang dalawa po ang naging inspirasyon ko, lalo na nung nag-start ang Mara Clara. Sila ang nag-inspire sa akin na balang araw magkakaroon din ako ng show ko.”

Pagbabalik-tanaw pa ni Ella, nagkasabay pa sila noon ni Kathryn sa audition noong bata pa sila. “Si Kathryn po nakasabay ko pa siyang mag-audition no’n. Siya ‘yung nakuha [at] ako hindi.

Kuwento pa ni Ella nang lumabas siya sa ASAP upang i-promote ang Aryana, nagkita-kita sila nina Kathryn at Julia at pareho siyang binati ng dalawa. Sabi ni Ella na kahit na sikat na ang dalawa ay hindi pa rin sila nagbabago.

Nang tanungin kung open ba siya na makasama ang dalawa sa isang proyekto, ang mabilis na sagot ni Ella, “Sobra po. Inaabangan ko nga po ang ganyang show o movie [na magsasama] ‘yung sinasabi nilang primetime princesses. Sobrang hinihintay ko po ang time na ‘yan, sobrang gusto ko silang makasama sa isang show.”

Anim na taon din ang hinintay ni Ella bago siya mabigyan ng sarili niyang show pero worth it daw ang paghihintay niyang iyon. “Super worth it po kasi simula po nung bata ako pinangarap ko na ito, ilang auditions na rin po ang napuntahan ko pero hindi ako natatanggap. Ilang pila, ilang roles ang ‘di ko natatanggap. Sobrang worth it. Ito na ang kabayaran sa lahat ng paghihirap na hinintay namin ng family ko.”

Kahit daw na may mga shows siyang hindi natuloy at ilang beses na hindi nakuha sa mga auditions hindi raw pinanghinaan ng loob si Ella. “Mas lumalakas ang loob ko, si mama at ako po. Kahit kelan never kami naging negative. Ang laging sinasabi ni mama noon, siguro hindi ko pa panahon para sumikat, so ‘yun po. Naghintay lang po kami.” Kaya naman ngayon ay nagbunga ang paghihintay ng young actress.