Xian Lim admits he also wants to be a good host

Aside from singing and acting, Xian Lim also wants to excel in hosting.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

6/22/2012 9:51 AM
Xian Lim admits he also wants to be a good host


062212-xian_main.jpgNagkaroon ng ekslusibong panayam ang Push.com.ph kay Xian Lim na isa sa mga host ng pinakabagong show ng ABS-CBN tuwing Sabado ng umaga, ang Promil i-Shine Talent Camp. “Well it’s a dream come true. Sobrang happy and sobrang excited because we are working with kids and you can see it in their eyes na sobrang iteresado silang matuto because they are given different kinds of workshops—acting, singing and dancing—so nakikita mo yung kanilang focus. Nakikita mo yung fire in their eyes.”

Lingid sa kaalaman ng marami, naging Video Jock o VJ na rin si Xian sa Studio 23 at isa sa mga biggest breaks na dumating sa kanya ay ang maging parte ng Bb. Pilipinas 2012 bilang isa sa mga hosts nito. Kaya naman nang matanong kung naging training ground niya ba ang mga ito para mas maging epektibo at mas maging magaling sa bago niyang proyekto, “Of course I always say naman na I always wanted to be a host. This is really what I want to do aside sa singing and acting, I really want to be a host. I really want to host a regular show din and hopefully in time but now it’s here. I am really happy and it’s getting better.”

Makakasama niya sa bagong show na ito sina Dimples Romana at Matteo Guidicelli. Excited na rin si Xian na magkasama at makabond muli si Matteo na naging ka-close niya dahil sa pagsasama nila sa My Binondo Girl. “Nakakatuwa kasi it’s the same old Matteo na yung mga habits niya napipick-up ko na naman yung mga kakulitan yung mga panggugulat sa kanya ko nakuha yun e.”

At sa bagong aspetong ito sa karera ni Xian bilang host ng isang regular show, ano nga ba ang kakaibang makikita sa kanya dito? “It’s a really fun show, we are just having fun and we are just really ourselves bonding with the kids and enjoying [ourselves.]”