Jessica Sanchez to try acting

There are rumors saying Jessica might be part of TV musical 'Glee's' 4th season.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

6/23/2012 12:44 AM
Jessica Sanchez to try acting


062312-jessica-main.jpgDahan-dahan nang nasusundan ni Jessica Sanchez ang yapak ng Pinay singer na si Charice.

Mula sa pagiging runner-up sa American Idol Season 11, sinasabing binubuo ngayon ang usapan para mapasama si Jessica sa Season 4 ng US musical show na "Glee."

Sa website na RollingStone, sinasabing makakasama ng cast ng "Glee" si Jessica sa kalagitnaan pa ng show dahil sa tatapusin pa nito ang "American Idol" tour.
 
( http://www.rollingstone.com/movies/news/jessica-sanchez-to-join-glee-20120621 )

Sinasabi din na maliban kay Jessica, makakasama din sa "Glee" sila Sarah Jessica Parker at maging si Kate Hudson.

Kung sakaling matutuloy, ang "Glee" ang magiging kauna-unahin ding acting project ni Jessica.

Matatandaang noong 2012, umingay din ang pangalan ni Charice ng mapasama siya sa "Glee" at gampanan ang character ni Sunshine Corazon na nakaalitan ng bidang character na si Rachel Berry (Lea Michele).