Dimples Romana says hosting a new show is a dream come true

Dimples Romana says she did not expect that she would be given a hosting job.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

6/23/2012 1:03 AM
Dimples Romana says hosting a new show is a dream come true


062312-dimples-main.jpgSi Dimples Romana ang isa sa mga hosts ng pinakabagong show ng ABS-CBN tuwing Sabado ng umaga, ang Promil Pre-School i-Shine Talent Camp. Hindi na nga maitago ni Dimples ang kanyang excitement sa bagong aspetong ito ng kanyang karera. “Super, super kilig.  You know when I found out that it was the Preschool I-shine Talent Camp, parang dream come true for me. Ang tagal ko kasi hinintay. I know I do a lot of teleseryes but this is something very refreshing for me. Of course as an artist I want to do many different things and as an artist and this makes me more fulfilled as an artist.”

Inamin din ni Dimples na may kaba pa rin na kaakibat ang bago niyang tatahakin sa aspetong ito ng kanyang pagiging artista, “Kinakabahan naman ako. Lagi naman yan kasi hindi mo naman alam kung ano ang magiging reception ng tao pero alam mo ang sarap lang ng pakiramdam na the people I am working with are inclined into making the families closer to each other in terms of nurturing the child’s potential. It is a really fulfilling project because I know that Cali, my daughter will be able to watch it and enjoy it with me.”

Ngunit inexpect ba niya na sa kadalasang pagganap niya sa mga teleserye ay magkakaroon pa siya ng pagkakataon para makapag-host ng isang show? “Hindi. Ako pa? Ako nga hanggang dasal lang ako e. Nagdadasal lang ako na sana Lord kaya ko ba ito? Na kung binigay niya sa akin e it’s a challenge for me and really it doesn’t feel work at all being with the children, ang sarap maging part ng journey nila.”

Napag-usapan din ang aspeto ng challenge sa buhay ni Dimples. “May mga roles din na siyempre may mga inoofer sila sa akin na hindi ko talaga kayang gawin. Not that I don’t want to do it but it doesn’t go by what I grew up with pagdating sa morals. Lahat naman tayo may iba-ibang paniniwala at sa trabaho gusto ko lahat ng ginagawa ko makakapagbigay ng inspirasyon sa lahat so minsan meron talaga akong nahihindian. Talagang hindi ko kayang gawin just because ako as a person di ko kayang gawin.”

Ibinahagi din ni Dimples ang katangian niyang sa palagay niya ay malaki ang naitulong sa kanya. “Pinalaki akong maging kuntento. Kaya kung anuman meron ako, masaya ako dun. Masaya naman ang aking pamilya at masaya naman ang aking trabaho okay na ako. Hindi ako masyadong greedy pagdating sa trabaho basta ako tuloy-tuloy ang trabaho masaya na ako e kaya wala sa aking maliit o malaking trabaho e. Kaya kung anuman ang nandidiyan at nakikiayon yun sa paninidigan ko sa buhay at sa paninidigan ng pamilya ko siyempre ang buhay mo pag nag-anak ka na nag-asawa ka na hindi lang desiyun mo e, meron na rin nirerespeto ko na desisyun nila. Hindi man nila hinihingi sa akin na ayan yung mga particulars na mga ayaw nila ng ganito, ayaw nila ng ganyan dapat alam ko na as person. Baka masaktan ang pamilya ko pag ginawa ko ang ganitong klase ng proyekto so yun.”

Catch Promil Pre-school i-Shine Talent Camp every Saturday, 9:30 am beginning on June 23 (Saturday)