Dolphy underwent dialysis, confirms son

Eric Quizon says their family is glad Dolphy is responding to treatment.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

6/21/2012 7:24 PM
Dolphy underwent dialysis, confirms son


062112-dolphy-main.jpgSa panayam kay Eric Quizon sa Makati Medical Center, inamin nitong pinayagan na nila ang mga doktor ng ama para gawin ang dialysis.


"As of 2:40 this afternoon we allowed our doctors to administer dialysis. That option was given to us because his vitals overnight were all OK," ani Eric.


"Somehow it has helped itong dialysis. Of course itong dialysis na ito it will support to prevent organ failure. Sinu-support nito ang kidney ng daddy ko at iba niyang organs at the same time it lessens excess body fluid... at the same time nawawala ang toxins," dagdag ng anak ng aktor.


Maganda din ang naging reaksyon ni Dolphy sa dialysis dahil nabawasan na nito ang panginginig ng aktor.


Nagawa na din ni Dolphy na imulat ang kanyang mata para pagmasdan ang paligid.


"Somehow nag-improved ang kanyang kidney, bumaba ang creatin sa kidney niya at ang maganda din dito kasi somehow nagmulat ang kanyang mata for a while at tumingin siya sa paligid. Natuwa kaming lahat na alam naming naririnig niya kaming lahat. I knew he was trying to communicate with us," ani Eric.
 
Pero kung may magandang balita inamin ni Eric na mababa naman ang platelets ng beteranong aktor kaya maaring magkaroon ito ng hemorrhage.

"Sa ngayon may bleeding at inaalam namin kung saan nanggaling ang bleeding na ito."


Ani Eric, sa ngayon ay nagdesisyon ang pamilya Quizon na ipagpatuloy  ang dialysis hanggang kung saan ito makakaya ng Hari ng Komedya dahil para sa kanila ay talagang nakatulong ito sa kalagayan ni Dolphy.


"Somehow may konting saya dahil nagkaroon ng opportunity ang ilan sa kapatid namin na makita siyang magmulat ang mata. He is somehow trying to communicate... which is good. Somehow there's hope. Ang pamilya namin umaasa na makakapiling pa namin siya," ani Eric.


Noong nakaraang linggo ay isinugod si Dolphy sa ospital dahil sa pneumonia.


Nitong Miyerkules inamin ni Eric na nasa kritikal na kondisyon ang kanyang ama.


Sa ngayon, nanatili pa ding nasa kritikal si Dolphy ani Eric.


"He is still in the critical stage," ani Eric.


"Salamat sa lahat at sa lahat ng nagdarasal. I believe in the power of prayers. Overnight  nagbago ang kanyang kondisyon. Alam naman na may miracle na nangyari somehow. Na sa  tulong ng dasal ay nagiging maganda ang kondisyon niya. At I'm sure kung nakakapagsalita ang daddy ko ay magpapasalamat siya sa inyong lahat."


Sa huli umaasa pa din ang pamilya Quizon na magkakaroon ng milagro.


"Wala akong ibang hiling sa tao kung hindi ipagpatuloy lang po ang pagdarasal," ani Eric.