Eric Quizon confirms Dolphy in critical condition

The Comedy King's son appeals for prayers.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

6/20/2012 3:54 PM
Eric Quizon confirms Dolphy in critical condition


062012-dolphy_main.jpgNasa kritikal na kondisyon ngayon ang Comedy King Dolphy Quizon.

Sa report ng abs-cbnNEWS.com, sinabi ni Eric Quizon, anak ni Dolphy na hindi muna sila makakapagbigay ng anumang pahayag tungkol sa kalagayan ng kanilang ama.

Umapila din ito na mag-alay ng dasal para sa kaligtasan ng Hari ng Komedya.
 
"Dad is critical at the moment. I hope you understand if I can't talk right now. Will update you later. We need your prayers," ani Eric sa ABS-CBN News.

Matatandaang isinugod sa ospital si Dolphy noong nakaraang Sabado (June 9) dahil sa pneumonia.

Nitong Lunes lamang, masaya pang sinabi ni Eric sa ABS-CBN News na gumaganda na ang kalagayan ng ama at tinanggal na din ang ventilator machine na ginagamit niya.