Dolphy getting better says son

According to Eric Quizon, his father is now off the ventilator machine and is getting better.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

6/19/2012 4:06 PM
Dolphy getting better says son


061912-dolphy_main.jpgMagandang balita sa fans ni King of Comedy Dolphy dahil patuloy ang pagbuti ng kalagayan nito mula nang maisugod sa ospital noong nakaraang Sabado.

Sa report ng TV Patrol nitong Lunes, sinabi ni Eric Quizon, anak ni Dolphy na itinigil na ang paggamit ng kanyang ama ng ventilator machine.

Ani Eric, oxygen tank na lang ngayon ang ginamit ni Dolphy para makatulong sa kanyang paghinga.

"Tinanggal na siya doon sa machine 'yung tinatawag na MEG ventilator,yung nagpa-pump ng oxygen sa katawan niya sa system niya. Although hindi pa talaga tinanggal yung tube pero ngayon nakakabit na lang siya sa isang oxygen tank which is actually good news because he's breathing on his own," ani Eric.

Sa panayam naman kay Ronnie Quizon, isa pang anak ni Dolphy, ibinahagi niya ang kasiyahan sa patuloy na pagbuti ng kalagayan ng kanyang ama, na nakikisakay pa sa kanilang mga biro.

Nagpahayag din ito ng muling pasasalamat ng pamilya Quizon para sa walang patid na pagdarasal ng mga Filipino para sa agarang paggaling ng Hari ng Komedya.

“I sincerely believe that the prayers help kasi minsan ang bilis. We were prepared, we would talk about a lot of things even like worse comes to worst. Everytime we would talk about the worst thing, it's like doon magkakaroon ng development or improvement sa dad ko,” ani Ronnie.