• Home
  • Fresh Scoops
  • Daniel Padilla on his gold record album: 'Gusto ko mag-diamond [record] din siya'

Daniel Padilla on his gold record album: 'Gusto ko mag-diamond [record] din siya'

Daniel Padilla believes his debut album is doing well because he put his feelings into his songs.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

6/19/2012 4:07 PM
Daniel Padilla on his gold record album: 'Gusto ko mag-diamond [record] din siya'


061912-daniel_main.jpgWala pa raw dalawang linggo matapos ilabas ang kanyang debut album ay naging gold record agad ang album ng young actor na di Daniel Padilla. Sa ASAP noong June 17 ay ginawaran na ng gold record award si Daniel.

Nakakatuwa siyempre,” bungad ng binata nang makapanayam siya sa ASAP backstage. “Dahil sa fans [ito], nakakatuwa kasi simula pa lang solid na ‘yung [support sa album ko]. Nakakatuwa kasi pinaghirapan natin at lumabas naman ng maganda. Sila ang may gawa nito. ‘Yung pagkanta, trabaho ko lang. Wala naman silang [obligasyon] kahit ‘di bilhin pero binili nila [ang album ko] kaya nakakatuwa.”

Pero kahit na raw may award na ang kanyang album ay hindi pa rin nagpapakakampante ang binata. “Hindi pa rin ako [kampante]. Siyempre limited lang naman ang mga fans ko. Ayoko lang maging komportable kasi pwede namang magsawa ang mga fans, pero sana huwag naman,” pahayag niya.

Kamakailan din ay dinumog ang mall show ni Daniel at nagkaroon umano ng stampede. Hindi naman daw siya natuwa rito at sinubukan pa nga raw niyang ayusin. “Hindi ako natutuwa siyempre pumunta ang mga tao ro’n na nasaktan para mapanood nila akong kumanta.” Hindi raw niya nagawa pang tapusin ang show dahil sa naganap.

Malaking bagay naman daw ang nasabing award para lalo raw siyang ganahan at lalong pag-igihan ang kanyang pagkanta. “Sobrang laking bagay na naging gold na ‘yung album, ginaganahan ako para gumawa pa ng bagong album. Andyan pa naman ang mga inspirasyon ko: ang mga fans,” aniya. Ngayon daw ay lalong nagpupursige si Daniel para raw lalong mahasa ang kanyang boses at lagi itong nagpapraktis.

Nang tanungin kung gusto ba niyang maging platinum pa ang kanyang album ang pabirong sagot ng aktor, “Gusto ko mag-diamond [record] din siya.”

Never raw niyang pinangarap na maging singer pero ngayon ay bumenta agad ang kanyang unang music album. Malaki nga raw ang pasasalamat niya kay Vice Ganda dahil matatandaang unang nasaksikhang kumanta si Daniel sa Gandang Gabi Vice na nagbigay daan para mabigyan siya ng recording album.

Nang matanong what makes his album special para bilhin ng maraming tao ang kanyang album, sagot ni Daniel, “Siguro may feelings ang mga kanta ko rito.”

Ang mga kanta sa album na dedicated daw niya sa kanyang Princess and I leading lady na si Kathryn Bernardo ay ang “Ako’y Sa ’Yo” pati na rin ang “Grow Old With You.” Pagpapatuloy pa niya, masaya naman ang pagkakaibigan nila ngayon ni Kathryn at kahit na wala silang relasyon sa totoong buhay ay solid ang kanilang pagkakaibigan.