• Home
  • Fresh Scoops
  • Paulo Avelino is gradually realizing his dream of becoming a known actor

Paulo Avelino is gradually realizing his dream of becoming a known actor

While they are being pitted against each other in 'Walang Hanggan,' Paulo Avelino believes that Coco Martin is still the better actor.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

6/17/2012 10:05 PM
Paulo Avelino is gradually realizing his dream of becoming a known actor


081812-paulo-main.jpgUnti-unti na ring nakakamit ni Paulo Avelino ang kanyang pangarap na makilala bilang isang mahusay na aktor magmula nang lumipat siya sa bukaran ng ABS-CBN. Very vocal noon si Paulo sa pagsasabing gusto niyang maging mahusay na aktor at umaasa siyang makamit ito.

Kamakailan ay ginawaran ang aktor ng Gawad Urian bilang Best Actor para sa kanyang pagganap sa Ang Dalawang Kaliwang Paa. Gusto raw niyang ialay ang kanyang pagkapanalo sa Panginoon. “Everything comes from Him. Siya talaga ang nagbibigay ng lahat sa buhay natin at inspirasyon,” pahayag ng aktor sa The Buzz nitong Linggo.

Bukod pa sa award, malaki rin ang pasasalamat ni Paulo sa Kapamilya network dahil sa pagtitiwala umano sa kanya at binibigyan siya ng mahahalagang papel, gaya ng kanyang role bilang si Nathan sa namamayagpag na teleseryeng Walang Hanggan. Lubos din ang pasasalamat niya sa mga fans dahil sa ipinapakita nilang suporta sa kanya.

Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng tumatangkilik at sumusubaybay sa Walang Hanggan. Dahil sa inyo lalo kaming inspirado para gandahan pa ‘yung storya at performance natin,” ani Paulo.

Kitang-kita sa mata ni Paulo ang tuwa na noong una’y sinasabi lang niya na gusto lang niyang makatrabaho si Coco at ngayon ay co-star na niya sa Walang Hanggan. “Nasabi ko dati na isa si Coco sa mga hinahangaan at iniidolo ko.” Kaya naman lubos ang pasasalamat niya sa ABS-CBN na ibinigay sa kanya ang pagkakataon na magkatrabaho sila.

Dahil na rin siguro kanilang roles sa teleserye na magkaribal sa puso ni Katarina na ginagampanan ni Julia Montes, ikinukumpara ang dalawang aktor. Nang tanungin ng The Buzz host na si Charlene Gonzales si Paulo kung sino sa tingin niya ang mas mahusay na aktor sa kanila ni Coco, ang mabilis na sagot ni Paulo, “Siyempre si Coco.”