Maja Salvador overwhelmed by her Urian Best Actress Award

The actress says she still has to learn a lot when it comes to acting.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

6/17/2012 10:09 PM
Maja Salvador overwhelmed by her Urian Best Actress Award


081812-maja-main.jpgUnexpected daw ang pagkapanalo ni Maja Salvador sa katatapos lang na Gawad Urian kung saan inuwi niya ang Best Actress trophy dahil sa kanyang mahusay na pag-arte sa pelikulang Thelma na idinirehe ni Paul Soriano.

Pahayag ni Maja, hindi niya inasahan ang kanyang pagkapanalo dahil daw bigatin at mahuhusay ang kanyang mga katunggali na kinabibilangan nina Cherry Pie Picache, Alessandra de Rossi at Eugene Domingo. Ang inasahan raw niyang mag-uuwi ng tropeo ay ang comedienne na si Eugene. “Para sa akin po, napakahirap patawanin ng mga manonood, sobrang galing niya, sobrang iniidolo ko siya. So ang nangyari nung tawagin ang pangalan ko, hindi po ako nakatayo,” kuwento ni Maja. “Parang huminto lahat at nanigas ako. Tapos sabi ng RM (road manager) ko, ‘Ate, ikaw ang nanalo, tumayo ka na.’ Nu’ng tumayo ako, parang ‘di pa rin ako makahinga.”

Paakyat pa lang ng entablado para tanggapin ang kanyang award ay umiiyak na si Maja. Nagpaliwanag din si Maja kung bakit masyado siyang emosyunal noon. “Bawat artista naghahangad ng ganung award, ng Best Actress award,” aniya. Naitanong din daw niya sa sarili kung bakit siya ang nanalo. “Kasi nga po siguro feeling ko marami pa akong kailangang matutunan dito sa trabaho ko, kaya po nung tinawag ang pangalan ko talagang nagulat ako.”

Thankful din si Maja sa kanyang ama kahit na pumanaw na ito. Nagpapasalamat siya dahil alam niyang proud ang ama sa kanya saan man ito naroroon.