Dolphy celebrates Father's Day in the hospital

Although he was hospitalized last week, the Comedy King's health condition is slowly getting better.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

6/17/2012 10:22 PM
Dolphy celebrates Father's Day in the hospital


081812-dolphy-main.jpgSa The Buzz nitong Linggo ay iniulat na nag-celebrate ng Father’s Day ang Comedy King na si Dolphy sa hospital dahil sa kanyang pagkakasakit kamakailan. Last week kasi ay isinugod umano si Dolphy dahil sa hirap na paghinga sanhi ng pulmonya.

Sabado noong nakaraang linggo ng dalhin sa Makati Medical Center ang veteran actor dahil sa chronic obstructive pulmonary disease at kinailangan daw kabitan siya ng respirator para tulungan siya sa paghinga. Matapos umano ng isang linggo ay mas bumuti na ang kalagayan ngayon ni Dolphy, ayon na rin sa update na ibinigay ng kanyang mga anak na sina Eric Quizon at Epi Quizon noong Hunyo 16, Sabado.

Sa isang mensaheng ipinadala ni Epi, sinabi ng aktor na mas umaayos na ang kalagayan ng kanyang ama. “He is responding very well to the treatment and should recover soon if his condition continues to improve. He’s still in ICU (intensive care unit), however, because breathing problem requires immediate attention. Our family sends our sincerest gratitude to all those who prayed, visited, gave gifts and sent messages of love and support.”  

Binabaan na rin daw ang level of oxygen dahil nakakaya nang huminga nang mag-isa ng Comedy King. Sa ospital nagdiwang ng Father’s Day si Dolphy at naglagay pa umano ng mga tarpaulin ang mga kaanak nito na ikinatuwa raw ni Dolphy nang magising at makita ang ginawa para sa kanya.  

Umaasa naman ang kanyang pamilya sa tuloy-tuloy na paggaling ni Dolphy.