• Home
  • Fresh Scoops
  • Andi Eigemann says she can raise her daughter Ellie even without a father

Andi Eigemann says she can raise her daughter Ellie even without a father

Andi Eigenmann says she is still open to reconciling with Albie Casiño because he is the father of her daughter.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

6/16/2012 9:57 PM
Andi Eigemann says she can raise her daughter Ellie even without a father


061712-andi-main.jpgMasaya raw si Andi Eigenmann para sa dating boyfriend na si Albie Casiño na nagbabalak na iwan na muna showbiz industry at mag-focus ngayon sa kanyang pag-aaral. “Okay po ‘yon kasi simula nung nakakapag-usap pa kami ni Albie, gusto naman talaga niyang mag-aral. ‘Yun po ang gusto niya. I’m really happy na he’s back to school talaga. Mabuti naman po ‘yon,” paliwanag ng single mom.

Nagbigay rin ng kanyang reaksyon ang aktres hinggil sa pahayag umano ni Albie na sinabing nasira ang buhay niya dahil sa mga nangyari sa kanya sa showbiz. “Depende naman po ‘yon kung paano natin tatanggapin ang mga pangyayari sa buhay natin ‘di po ba? Kung para sa kanya ganun ang pinaniniwalaan niya, wala naman tayong magagawa do’n and ang mas mahalaga kung ano ang nasa puso mo. Kung iba ang gusto niyang gawin [respetuhin natin].

Magbabalik si Andi sa pag-arte via the upcoming teleserye na Kahit Puso’y Sinugatan na pagbibidahan din nina Iza Calzado, Jake Cuenca at Gabby Concepcion. Kaya naman wala raw dahilan para maging bitter siya sa magagandang nangyayari ngayon sa kanyang buhay.

Bakit pa po ba ako magiging bitter? I wouldn’t want my life any other way. Ang saya saya ko ngayon. Walang dahilan para ako maging bitter, walang nawala sa akin nung nawala siya. Masayang-masaya po ako kay Ellie. Nawala nga po siya (Albie) pero may naibigay naman po sa akin na sobrang gandang angel and I really want to take care of her and love her really well. It’s a waste of time for me to be bitter over someone who doesn’t even care.”

Dagdag pa ni Andi, lagi siyang magiging bukas sa reconciliation sa kampo ni Albie dahil siya ang ama ng kanyang anak. “He’s the father of my child, hindi po mawawala ‘yung ganon. Pero hindi mo ipipilit ang ganon kung ayaw. Kung wala, wala. Kung masama po ang ano [loob] nila sa amin, hindi po kami gaganti, walang ganun-ganun. Pero hindi namin ipipilit ‘yun kasi pwede ko naman pong mapalaki si Ellie nang tama kahit na hindi niya makikilala si Albie.”

Sa darating na Father’s Day plano raw nina Andi na kumain sa labas kasama ang ama na si Mark Gil at ang anak niya na si Ellie. Natanong din ng Push.com.ph kay Andi kung handa ba siyang walang amang babatiin si Ellie sa mga susunod pang Father’s Day. “Aware naman po ako do’n at naiisip ko din po ‘yon. ‘Yun lang minsan maiisip mo masakit pero minsan para mabuhay tayo, na mas maa-appreciate natin ang magagandang bagay sa buhay natin matapos nating masaktan at mahirapan. So feeling ko it’s just part of life. As much as it would hurt me, Ellie has to face that and eventually find out why. Pero hindi pa natin alam. Malay natin biglang gusto niyang (Albie) makilala ang anak [niya].”

Ngayon daw ay hindi handa si Andi na magkaroon ng relasyon dahil hindi iyon ang kanyang prayoridad.