• Home
  • Fresh Scoops
  • Luis Manzano shares his typical 'kulitan blues' with Toni Gonzaga

Luis Manzano shares his typical 'kulitan blues' with Toni Gonzaga

Luis Manzano reveals how he and Toni Gonzaga remained good friends over the years; says he's excited to be working with her in a movie.

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

6/15/2012 10:48 AM
Luis Manzano shares his typical 'kulitan blues' with Toni Gonzaga


061512-luis_main.jpgParehong malapit na kaibigan ni Luis Manzano sina Toni Gonzaga at Vice Ganda kaya siguradong riot daw ang magaganap sa pagsasamahan nilang pelikula under Star Cinema. Sa ginanap na story con ng bago nilang proyekto, ibinahagi ni Luis kung paano nanatili si Toni na isa sa mga malalapit niyang kaibigan. Madalas niya raw itong biruin tungkol sa pinakauna nitong pelikula kung saan dalagang probinsiyana ang ginampanang papel ni Toni.

Magkasama kami sa ASAP at minsan tinetext ko siya sa mga kalokohan lalo na ‘pag pinapalabas ang all time hit na Pakners (starring Fernando Poe Jr. and Efren “Bata” Reyes) na talaga namang revolutionized Philippine Cinema. So ‘pag napapanood ko yun, kinukunan ko pa sa TV at tinitweet ko pa sa kanya. I’m very proud of her in Pakners,” natatawang kwento ni Luis sa panayam ng Push.com.ph.

Nasubaybayan naman talaga ni Luis ang pagsikat ni Toni sa show business bukod sa naging masugid din siyang manliligaw nito noon. Kaya naman masasabing matatag na rin ang pundasyon ng kanilang pagkakaibigan. “Si Toni nakasama ko na sa ilang hosting stints. I’m looking forward to working with her again. Acting-wise nag Crazy For You and Your Song Presents Last Romance kami on TV. At ngayon first time namin to work on the big screen kaya I’m very excited especially sa istorya.”

Gamay na rin ni Luis na katrabaho si Vice Ganda dahil ilang beses na silang nagkasama sa pelikula.  “Ang dami niyang introducing, ang daming beses napakilala si Vice. Sa In My Life nakasama ko siya, tapos sa Hating-Kapatid. Nasundan yun ng Petrang Kabayo na first solo movie niya. And now, nakikita ko kung anong naaabot niya bilang Vice Ganda, ang dami ng humahanga sa kanya. I’m very proud of Vice.”  

Masaya si Luis dahil bukod sa sunod-sunod ang kanyang hosting jobs ay nabibigyan din siya ng pagkakataong umarte. Ngunit sa kabila ng kanyang busy schedule ay sinisikap niyang balansehin ang bawat aspeto ng kanyang buhay. “I’m very fortunate na puro hosting ang ginagawa ko. But when I start acting na naman, medyo iba ang oras niyan. It’s all about time management. Tinanggap ko na sa sarili ko na I will not overwork myself. Na-realize ko na it’s not worth it, na halos borderline mamatay ka na.

Deserving talaga si Luis sa lahat ng blessings na natatanggap niya dahil pinaghirapan niya talaga na makilala siya sa sarili niyang kakayahan at hindi lang dahil isa siyang certified showbiz royalty. “It’s not easy kasi nandiyan yung expectations, hindi lang dahil sa mom ko pati sa dad ko rin (Vilma Santos and Edu Manzano). So it’s more of me working hard, stepping out of the box. I’m very happy and proud na nakita ng tao yun. I’m still trying to make a name for myself and establish my own niche in the country.”