• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu says she likes the twins and Karen of PBB Teen Edition 4

Kim Chiu says she likes the twins and Karen of PBB Teen Edition 4

Kim Chiu talks about her experience as a houseguest in PBB Teen Edition 4 as well as her recent hosting stint on 'Showtime.'

BY RACHELLE SIAZON

FRESH SCOOPS

6/16/2012 12:18 AM
Kim Chiu says she likes the twins and Karen of PBB Teen Edition 4


061612-kim-main.jpgKadalasan ay nakikita lamang si Kim Chiu na seryoso sa pagarte sa iba’t ibang papel na ginampanan niya sa mga teleserye tulad ng My Binondo Girl, Kung Tayo’y Magkakalayo, at Tayong Dalawa. Pero nagkaroon siya ng pagkakataon ipakita kung gaano siya kakulit at kasayang kasama noong pumasok siya bilang houseguest sa Pinoy Big Brother Teen Edition 4. “Parang bumalik yung ginawa ko six years years ago. Nag-enjoy ako, nakilala ko sila isa-isa. Na-feel ko na iba ang kabataan ngayon. Pero nakakatuwa sila, sobrang mabait sila lahat,” kwento ni Kim sa Push.com.ph tungkol sa pagpasok niya sa Bahay ni Kuya.

Bilang Big Winner ng first teen edition ng PBB, hindi na bago para kay Kim ang makisalamuha sa current teen housemates pati na sa mga tasks na ibinigay sa kanya ni kuya. Ilang sa mga nakakatuwang karanasan ni Kim ay ang pananakot sa kanya ng teen housemates, pag-gising sa madaling araw upang paglutuan ang mga ito ng almusal, at paghahanap niya ng kanyang tsinelas habang nakatali ang buhok niya sa buhok ng lahat ng girl housemates.

Kanino siya pinakanaka-relate sa girls? “Hindi naman. Iba na kasi sila. Wala na akong maka-relate sa kanila. Pero in fairness gusto ko yung kambal (Joj and Jai Agpangan) at si Karen (Reyes) kasi masiyahin at hindi sila nag-gi-give up kapag may tasks sila at totoong tao sila.

Bukod sa Pinoy Big Brother ay nag-guest din si Kim sa Showtime bilang relyebo ni Karylle. Madami ang natuwa na makita siya sa noontime show dahil likas na masayahin ang aktres at madaling nakapalagayan ng loob ang ibang hosts. “Masaya yung experience kasi lagi akong nagho-host dun sa unang format ng show nila. Pero ngayon nanibago ako kasi ang dami ng segments. Pero nag-enjoy ako. Lahat sila warm [yung pakikitungo sa akin]. Kung may hindi ako alam, very encouraging pa rin sila, ‘Okay lang ‘yan, sundan mo lang kami.’ Kaya masaya naman ako na mapasama kahit saglit sa Showtime.”

Given a chance, willing ba siyang maging mainstay host ng isang noontime show? “Pwede rin. Kahit naman ano. Open ako sa akin kahit anong trabaho.