Nabanggit na rin sa mga naunang interview ni Eugene Domingo na walang basehan ang ikumpara sila ni Ate Guy sa isa’t isa dahil nag-iisa lamang ang Superstar at hindi nararapat na ikumpara siya dito. Ngunit hindi maiiwasan na ang kani-kanilang mga fans ang mag-react dito, kaya naman nang kunin muli namin ang opinyon ni Uge dito, “Naku, talagang huwag na po. Ako talaga hands down, bow head para kay Ate guy sa nag-iisang superstar. Wala nang suusnod na Nora Aunor siya na lang yun ang kinukuha na lang natin ngayon ay mga classics ni Nora Aunor. Hindi natin makalimutan kaya natin inaadapt kasi yung pagkakaganap at pagkakagawa ng mga pelikula ni Nora Aunor ay mga pelikulang hindi dapat natin kinakalimutan. Ang mga magagawa natin ay iupdate kasi nagiiba ang sitwasyon diba pero si Nora Aunor kung meron mang artistang gaganap siya lang yun ako po e natutuwa na pinayagan.”
Ngunit sa pagbabalik niyang ito sa teatro, may kaba ba o anumang takot ba siyang nararamdaman? “Matapang kasi ako sa hamon kasi alam ko naman na di ako mag-iisa, may tutulong sa akin. May director ako, may manunulat. There is a company behind me, hindi ko gagawin ito mag-isa kaya hindi ako natatakot. It’s just that everything should be at the right time yun lang lagi ang inisip ko tama na ba sa panahon, tamana na ba sa pangangailangan. Yun lang lagi ang aking takot pero yung kung sa tingin mo ay natatakot akong hamunin ang sarili ko hindi naman, hindi ako natatakot kasi marami namang tutulong sa akin.”
Bukas din sa pag-amin si Eugene Domingo na marami man siyang natatanggap na mga offers ngayon na gumanap sa teleserye, hindi niya ito prioridad ngayon. “Not easy, hindi ka makafocus eh. Ang hirap magkaroon ng teleserye e, that’s everyday work lalo na kapag ang daming sequences ‘di ba? One at a time siguro, movies muna.”
Ngunit bukas naman siya sa oportunidad na ito kung sakaling mabigyan siya ng offer at dumating sa tamang oras pero sa ngayon aminado ang Asian Awards’ Favorite Best Actress na pelikula muna ang kanyang prioridad , “Napakasarap na trabaho nun. Napaka-lucrative na trabaho nun for practical reasons and also mas mapapalapit ka sa audience dahil yan unang-una nilang pinapanood TV e pero as of now gusto ko tumulong, you know, make our Filipino film making richer. Yung kung anuman ang kaya ko pang icontribute as artista sa pelikula dun muna ako.”