• Home
  • Fresh Scoops
  • Dolphy rushed to hospital; responds to treatment well - Eric Quizon

Dolphy rushed to hospital; responds to treatment well - Eric Quizon

The Comedy King's son says his father's vital signs are now stable.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

6/15/2012 9:05 AM
Dolphy rushed to hospital; responds to treatment well - Eric Quizon


061512-dolphy_main.jpgNaisugod muli sa ospital ang King of Comedy Dolphy Quizon noong Sabado.

Sa tweet message ni Zsa Zsa Padilla, nakalagay dito ang mensahe ni Eric Quizon, anak ng beteranong aktor tungkol sa kalagayan ng kanyang ama.

Pag-amin ni Eric kinailangan nang lagyan ng respirator si Dolphy para matulungan itong makahinga dahil na  din sa problema niya sa pulmonya.

"My Dad was sent to the hospital last Saturday because of pneumonia. This made him weak because of his COPD (chronic obstructive pulmonary disease ). They had to attach a respirator in order to help him breathe," ani Eric.

Sa ngayon aniya, ay stable na ang  vital signs ng Comedy King at tinatanggap nito ang medikasyon.

"Currently, his vitals are all in order and he is responding to treatment very well. However, he is still under close observation and round-the-clock intensive care to make sure he recovers well," dagdag ni Eric.

Ipinapaabot din ni Eric ang pasasalamat sa lahat ng mga nagdarasal para sa  agarang paggaling ng ama.

"On behalf of our family, thank you for your love and prayers."

Nakatakdang magdiwang ng kanyang ika-85 kaarawan si Dolphy sa darating na Hulyo 25.

Sa nakaraang panayam kay Zsa Zsa, sinabi nitong plano nilang magdaos lang ng simpleng handaan para sa kaarawan ni Dolphy.

Sa Twitter, ipinaabot din ni Zsa Zsa ang pasasalamat sa lahat ng nagdarasal para sa kaligtasan ng Comedy King.