• Home
  • Fresh Scoops
  • Christian Bautista says relationship with Carla Donareanu is deeper

Christian Bautista says relationship with Carla Donareanu is deeper

The crooner is happy with the good things happening to his career and personal life.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

6/15/2012 10:40 AM
Christian Bautista says relationship with Carla Donareanu is deeper


061512-christian_main.jpgSobrang busy ngayon ni Christian Bautista dahil nakasama siya sa concert na Icons kung saan nagsama-sama ang mga mahuhusay na Filipino singers noon at ngayon. “It’s about time para ang mga Filipino artists ay bumalik in full force (at) maipakita ang kagandahan ng original Pilipino music noon at ngayon. And I’m proud na makasama at para mag-unite tayo bilang isang bansa para sa musika,” pahayag ng singer.

Bukod dito ay balik sa pag-arte si Christian na kasama ngayon sa teleseryeng Princess And I. Kahit nga raw sa social networking sites ay marami ang na-excite at nagulat sa pagbabalik niya sa pag-arte.

Bukod sa kanyang career, very happy rin ang love-life ng singer with Singaporean actress Carla Donareanu. Nagkakilala at nagkatrabaho ang dalawa via The Kitchen Musical at nagka-develop-an. Pag-amin pa ni Christian mananatili sa bansa si Carla sa loob ng isang taon at kasalukuyang disc jockey sa isang FM radio station.

Dati kasi ay mas mahirap ang set-up ng dalawa na kailangan pang magsalitan sa pagbisita sa bansa ng isat-isa para magkita. Kaya naman ngayon, “traffic na lang ng EDSA ang katapat. Mas okay (ang kalagayan namin),” pagpapatawa ni Christian.

Kinumusta rin kay Christian ang relasyon niya ngayon sa kanyang Singaporean girlfriend. “Mas malalim, mas maraming time kayo together.” Masaya rin daw ang kanyang pamilya sa estado ng kanilang relasyon. “They’re happy, my family is very okay with Carla and siya rin, very happy kasi siya lang ang andito kaya ang family ko, parang family n’ya na rin.”

Incidentally naipakilala na raw niya si Carla sa kanyang mga kaibigan kabilang na sa kanyang ex-girlfriend na si Rachelle Ann Go. Pinanood daw kasi nila ni Carla noon ang theater play na The Little Mermaid kung saan si Rachelle Ann ang bida.

Sampung taon na rin si Christian sa showbiz at magkakaroon daw siya ng TV special sa ABS-CBN Sunday’s Best na ipapalabas this coming June 24.  Bukod pa rito ay ilalabas na rin ni Christian ang kanyang susunod na album.