• Home
  • Fresh Scoops
  • Carmina Villaroel talks about the Zoren Legaspi-BB Gandanghari interview

Carmina Villaroel talks about the Zoren Legaspi-BB Gandanghari interview

Carmina Villaroel says she is still willing to interview BB Gandanghari.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

6/16/2012 12:14 AM
Carmina Villaroel talks about the Zoren Legaspi-BB Gandanghari interview


061612-carmina-main.jpgNaging very vocal noon si Carmina  na very open siyang makaharap at makapanayam si BB Gandanghari, na dating si Rustom Padilla at naging asawa ni Carmina. Hindi ito nangyari dahil mas nauna pa si Zoren Legaspi—ang partner ngayon ni Carmina—ang siyang naka-interview kay BB sa isang talk show.

Nang kunan ng reaksyon ang actress-host tungkol dito sa ginanap na Trade Launch sa NBC Tent last Thursday night, June 14, ang sagot ni Carmina, “Wala lang. Wala lang talaga. Siguro sa ibang tao it’s a big deal pero para sa amin wala, eh, siguro kaya rin ginawa ni Zoren ‘yon para rin matapos na. Kasi parang pagkatapos ng interview [nila] ano bang nangyari? Finished. Wala naman.”

Pahayag pa ni Carmina, hindi raw nagpaalam sa kanya si Zoren na makakapanayam niya si BB pero nagsabi naman na kanya namang sinang-ayunan.

Willing pa rin daw si Carmina na ma-interview si BB kung mabigyan ng pagkakataon. “Okay lang naman kasi parang iniisip ko ibang tao talaga siya, parang ibang tao na makakaharap ko, makakausap ko.”

Itinanggi rin niya may sama siya loob kay BB dahil hindi sa kanya nagpa-interview ito. “Sa akin wala namang issue kasi si Zoren naman ‘yon. hindi naman ibang tao. Nagkataon lang siguro na ‘yun ang sabi ng Diyos, ayaw naman nating ipilit. Kung talagang hindi pa, baka talagang hindi pa.”

Na-touch naman si Carmina sa sinabi ni BB na nawala man siya sa buhay nito ay may mabait na lalaking nagmahal sa kanya at kumumpleto sa kanyang buhay at pamilya. “Nagpapasalamat ako siyempre, wala naman siyang sinabing masama against me. Nice words naman lahat, nararamdaman ko naman talaga na masaya talaga siya for me,” reaksyon ni Carmina.

Kinumpirma rin ni Carmina na magkakaroon ng proyekto sina BB at Zoren sa ibang istasyon at wala raw problema ito kay Carmina as long as okay kay Zoren.

Itinanggi rin ni Carmina na may sama pa siya ng loob kay BB. Depensa ng aktres, “Kung may samaan ng loob, hindi naman ako mananawagan dati [na gusto ko siyang ma-interview] ‘di ba? At magiging vocal na it’s okay. Pwede akong magpalusot na busy ako. Hindi ako magiging ganito ka-happy, hindi ako makakapag-move on ng sobra kung meron pang hurt, wala talaga.

Nang usisain naman si Carmina kung ano ang mga itatanong niya kay BB kung sakaling matuloy ang kanilang unang paghaharap pagkatapos ng matagal na panahon. “Wala, hindi ko talaga siya pinaghahandaan. Ayoko kasi talaga siyang planuhin. Kung mangyayari, mangyayari ‘di ba? Kung ayaw mo o pigilan ko, kung talagang mangyayari, mangyayari. Gusto ko lang maging spontaneous.”

Natatawa pa si Carmina nang sabihin niya na hindi niya alam ang kanyang magiging reaksyon kapag hindi inaasahang magkasalubong sila ni BB, pero ang importante lang sa kanya ay respetuhin ang desisyon ni BB at maging masaya ito.