• Home
  • Fresh Scoops
  • Alfie Lorenzo finally approves of Judy Ann Santos's comeback teleserye

Alfie Lorenzo finally approves of Judy Ann Santos's comeback teleserye

Judy Ann Santos is grateful to manager Alfie Lorenzo for finally approving her new teleserye project.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

6/16/2012 12:34 AM
Alfie Lorenzo finally approves of Judy Ann Santos's comeback teleserye


061612-juday-main.jpgNapabalita noong una ang pagtanggi ng manager ni Judy Ann Santos na si Alfie Lorenzo sa bago nitong teleserye kung saan makakasama nito si Sam Milby. Ngunit sa ginanap na story conference sa nasabing proyekto tinuldukan na ni Judy Ann ang isyung ito at sinabing maayos na ang lahat. Aniya, “Kasi kung wala siyang blessing, hanggang ngayon hindi niyo pa rin ako naiinterview.”

Ibinahagi din ni Juday ang panig ni Tito Alfie sa pangyayaring ito. “With Tito Alfie naman he is really like that. May mga ganun talaga. May mga bagay naman na pag inexplain niya sa iyo maiintindihan mo din pero nakikinig naman na siya ngayon sa akin. May mga times na mahaba ang pag-uusap, explanations…. and everything. Kaya grateful din ako kay Tito Alfie, grateful din ako na pinagbigyan niya rin naman kami, pinagbigyan niya ako with this soap not just because of Sam pero ano naman nakinig naman. Yun ang pinaka-importante sa lahat. Hinidi yung basta lang ayaw tapos sarado yung utak, hindi.

Very grateful din ang Queen of Teleserye sa kanyang manager na pinagbigyan niya ito at nakinig siya rito. Dagdag pa ni Juday, kahit anupaman ang kanilang pagdaanan sa personal at propesyunal na aspeto ng kanilang buhay, walang duda na maayos at maayos nilang dalawa kung ano man ang maaring kasangkutan nila. “Naging maayos yung pag-uusap namin kaya nung nalaman ko na um-okey na siya nag-thank you din ako sa kanya kasi alam ko naman si Tito Alfie may mga panahon na nagtatampo siya sa akin at naiintindihan ko naman yun bilang anak niya. May mga ganung moments lang talaga kami ni Tito Alfie, mga mother and daughter fights kami na kaming dalawa rin naman ang nakakapagsolve.”

At sa muling pagbabalik ng Queen of Teleserye matapos ang medyo matagal na pahinga sa paggawa ng teleserye, very excited si Judy Ann sa kakaibang proyekto niyang ito. “Excited pero nandun din yung kaba pero I am grateful finally nandito na matutuloy na. Nabuo na ang cast ng bagong soap at the same time napakapositive ng energy nung magkakasama kami during the storycon. It was all laughter. Ang ganda kasi na bago ka magsimula ng bagong show, umpisa pa lang magaan na yung pakiramdam mo and I am looking forward sa taping days namin to bond with the cast and it’s a different story so nakakakilig siya.”

Binahagi din ni Juday ang rason na kahit napatunayan na niya ang kanyang tagumpay sa marami niyang proyekto, ay kinakabahan pa rin siya sa pinakabago niyang teleserye na pinamagatang Against All Odds. “Siyempre matagal kang napahinga sa mahabang taping di ba? And at the same time iba na rin kasi yung takbo ng televiewers ngayon. Hindi mo na rin alam kung saan ka poposiyon, makukuha mo ba yung kiliti nila sa ganitong klaseng eksena? Pero what’s nice with this group now ay matapang lahat. We are all willing to take the risk of making different stories and come up with different characters at ibigay sa mga artista na hindi mo akalaing gagawin. Masustansiya masyado yung teleserye, ang daming pwedeng mangyari sana mapagwagian namin.