• Home
  • Fresh Scoops
  • JM de Guzman on what's so special about Jessy Mendiola: 'Just by being her'

JM de Guzman on what's so special about Jessy Mendiola: 'Just by being her'

JM de Guzman says Jessy Mendiola is a source of inspiration who tells him his mistakes so he can change for the better.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

6/14/2012 9:35 AM
JM de Guzman on what's so special about Jessy Mendiola: 'Just by being her'


061412-jm_main.jpgSpecial friendship kung ikatergorya ni JM de Guzman ang kanyang relasyon kay Jessy Mendiola sa kabila ng mga bali-balitang may namumuo nang magandang pagtitinginan sa dalawa. Samantala, hindi naman niya itinanggi na proud siya at inspired because of Jessy na ngayon ay may gagawing teleserye with Matteo Guidicelli at bukod pa rito ay makakasama nina Judy Ann Santos, KC Concepcion at Sam Milby sa isa pang teleserye.

Sa gagawing teleserye ni Jessy with Matteo na may working title na Isla, tinanong si JM kung okay lang ba sa kanya na magpa-sexy si Jessy at kung magseselos ba siya kay Matteo. Sinabi ni JM na walang problema sa kanya kung magpa-sexy si Jessy o kung magkaroon sila ng intimate scenes ni Matteo dahil nauunawaan daw niyang trabaho ito.

Inilahad din ni JM kung ano ang mga nagustuhan niya sa rumored girlfriend. “Responsible [at] independent. At her age parang kaya nang tumayo sa sarili niyang mga paa and isa siya sa mga taong prangka.” Dagdag ng aktor, si Jessy raw ang tipong direktang nagsasabi ng mga pagkakamali niya. “’Pag nakikita n’ya [ang mga mali], andyan siya para malaman ko o makita ko para baguhin,” kuwento ng aktor.

Pahayag pa ni JM, sa showbiz ay hindi madali ang pagkakaroon ng relasyon pero aniya, posible pa rin ito kung magkakaroon ng patuloy na komunikasyon at malawak na pang-unawa.

Nang direktang tanungin si JM kung ano ang special kay Jessy, sagot ng aktor, “Just by being her.”

Samantala, excited naman si JM sa kanyang upcoming teleserye, ang Angelito, Ang Bagong Yugto. Dahil sa success ng Angelito, Batang Ama ay muling bubuhayin ang mga karakter na minahal ng mga manonood sa hapon. “Excited [and] at the same time, na-doble ‘yung pressure pero pressure in a good way,” pahayag ni JM. “Siyempre nage-expect ang mga sumubaybay no’n na maganda pa rin and mas gumanda, so mas kailangan todo-bigay [ang pagtatrabaho].”

Dahil nga sa magandang performance ng nauna nilang teleserye, hangad ni JM na pantayan, kung hindi man lampasan ang success ng kanilang naunang proyekto. “Ginagawa ko siyang challenge for me na ito ang way ko para maibalik sa kanila [fans] ang support [na ibinibigay nila] at sa ABS-CBN para sa trust na ibinigay nila.

Para kay JM, naging matagumpay ang Angelito, Batang Ama dahil daw sa mahusay na pananaliksik ng creative team ng programa. “Maraming batang amang nabubuhay sa Pilipinas. Kailangan din ang show na ito para makapagbigay ng lesson, kahit paano, kung ano ang mga dapat nilang gawin o paano nila haharapin ang sitwasyon nila.