• Home
  • Fresh Scoops
  • Zsa Zsa Padilla is proud of the accomplishments of daughters Karylle and Zia

Zsa Zsa Padilla is proud of the accomplishments of daughters Karylle and Zia

Zsa Zsa Padilla also speaks up about Karylle's reported relationship with Yael Yuzon.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

6/13/2012 9:05 AM
Zsa Zsa Padilla is proud of the accomplishments of daughters Karylle and Zia


061312-zsazsa_main.jpgOne proud momma si ZsaZsa Padilla sa tinatamong karangalan at kasikatan ngayon ng kanyang dalawang girls na sina Karylle at Zia Quizon. Habang nagkaroon na ng best actress nominations internationally si Karylle for The Kitchen Musical, nagtamo na rin ng award bilang singer si Zia kahit na nagsisimula pa lamang ito. “Siyempre very proud ako sa kanila. They are really working hard naman and alam ko sa career marami pa silang mapupuntahan,” simula ng Divine Diva.

Gayunpaman, kasabay ng pag-imbulog ng career nina Zia at Karylle ay pinagkukumpara rin ang magkapatid, gaya ng kung sino sa kanila ang mas mahusay bilang singer. “‘Di mo naman mako-compare kasi magkaibang style,” depensa ng kanilang ina. “Si Kayrlle singer-actress, iba naman ang genre [niya], mas pop siya. Si Zia naman iba rin ang range ng voice niya. She’s done pop also but she’s more into jazz, soul, and blues.”

Kamakailan ay umalis si Karylle para dumalo sa Montecarlo Film Festival kung saan nominated siya as Best Actress dahil sa kanyang pagganap sa The Kitchen Musical. Bilang actress-singer din, ang sabi naman ni Zsa Zsa tungkol dito, “Nakaka-proud naman ‘di ba? Sabi ko nga ang line-up [ng nominees] talaga ang taray talaga. I wish her the best.” Makakalaban ni Karylle sa nasabing kategorya ang ibang foreign actresses kabilang ang Hollywood actress na si Tina Fey.

Si Zia naman, bukod sa pagkapanalo niya sa MYX Music Awards ay naging gold record na rin ang kanyang launching album.

Maingat naman si Zsa Zsa nang tanungin siya hinggil sa love life ng kanyang panganay na si Karylle with supposed boyfriend vocalist Yael Yuzon ng Sponge Cola band. “I like the fact that she has a lot of goals sa work kasi workaholic din ako. I don’t know the status, eh. I like the fact that she has the liberty to do what she wants. Kumbaga hindi nawawala ang pagkatao mo, hindi nababawasan ang trabaho mo, marami kang sinasakripisyo, makaluma na ‘yun eh.”

Nang tanungin siya kung boto siya kay Yael, ang simpleng sagot ni ZsaZsa, “He’s okay. Andun lang ako sa kung saan masaya si [Karylle]. Bilang nanay niya ‘pag nakikita mong masaya ang anak mo, masaya ka para sa kanya.