• Home
  • Fresh Scoops
  • Eugene Domingo wants box office results more than an acting award for her new movie

Eugene Domingo wants box office results more than an acting award for her new movie

Eugene Domingo wants 'Kimmy Dora and The Temple of Kiyeme' to be a box office hit for the sake of the producers.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

6/13/2012 9:12 AM
Eugene Domingo wants box office results more than an acting award for her new movie


061312-eugene_main.jpgSa ginanap na bloggers conference ng Kimmy Dora and The Temple of Kiyeme na pinagbibidahan ni Eugene Domingo, nakausap muli ng Push.com.ph ang aktres tungkol sa kanyang pinakabagong pelikula. “Pressured ako, busy ako, stressed out ako. Hindi tayo pwede maging 100% kampante kasi yun nga ang nakaka-thrill doon kapag excited ka. We are very happy to share it with our audience and nato-touch ako sa support ng lahat. Isa lang ang intension namin, ang maging masaya ang mga manonood.”

Ayon kay Uge, malaki na rin ang makikitang kaibahan ng Kimmy Dora three years ago at ang Kimmy Dora na mapapanood natin ngayon, “Physically mas lumiit ako ng very, very light na tama lang kasi very very active ang character nila ngayon e talagang hindi pupwedeng hindi tatakbo, tatalon, fight scenes, etc, etc. So tama lang na naging mas fit ako para gumanap na Kimmy at Dora para sa sequel na ito and then number 2, mas mayaman na kami ngayon, yung itsura namin. Salamat sa suporta ng mga designers and then number 3 in terms of story and location, yung concept mismo, mas lumawak, mas maraming layers, mas interesting but we made sure na appealing pa rin sa mga bata, hanggang matatanda, hanggang sa mga bading hanggang mga lalaki, babae, sa lahat. We wanted to cater to everyone kasi gusto naming yung experience ay buong-buo.

Masasabing very successful sa kanyang larangan si Eugene at maraming beses niya na itong napatunayan. Ngayon naman ay inaasam niya na maging box office hit ang kanyang pelikula. “I have been praying about that because I care for the producers, I care for all the people who supported who gave their help. Gusto ko yung mga manonood makumbinsi naming pumasok para makaggawa pa kami ng susunod na pelikula, gusto ko pa rin na maging box office hit ang Kimmy Dora sequel para maganda kasi tignan na ang daming nanonood ng mga pelikulang Pilipino. Alam ko naman na itong pelikula namin, pinanood nila. Masarap panoorin kasi makakalimutan nila yung problema nila sa tuwa. E kaya sa panahon ngayon bago mag-isip ng problema at gastos sa eskwela pagbigyan niyo muna kami at mag-enjoy muna kayo.”

Sa sobrang nakadikit ang pangalan niya sa kanyang karaketer, di ba siya kinakabahan na ma-stereotype siya? “I am very proud to be Kimmy Dora. Para sa akin ayaw ko pong makalimutan niyo na ako ang gumanap na Kimmy Dora at gaganap muli na Kimmy Dora. I make sure na every now and then I make films also and portray different kinds of films. And I am very happy na nabibigyan ako at naoofferan ako ng iba’t ibang characters kahit na tumatak ang Kimmy Dora. At natutuwa din ako na yung script ng Kimmy Dora at yung direksyon ni Joyce Bernal. Lumalawak din yung character ni Kimmy at character ni Dora. Hindi lang siya yung parang nakakatawa lang meron din sila yung mga tagos sa pusong characterization, pati performance.”

At kung may nais pa ba siyang gampanang mga karakter, “Maraming-marami pa, marami pa. Sabi ko nga e hindi pa talaga ko nagbobold ng husto but its too late. Ako naman bukas ako sa kahit na anong roles, maraming roles e so just as long as ang artista ay willing naman to experiment and is not afraid I am sure marami pang roles na maibibigay sa akin and I am very open to them.”

Kimmy Dora and The Temple of Kiyeme showing today in theaters nationwide.