Slater Young admits that he is ready to fall in love again

Slater Young believes that one doesn't have to look for love; he just leaves it to fate.

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

6/12/2012 9:22 AM
Slater Young admits that he is ready to fall in love again


061212-slater_main.jpgMula sa isang mayaman at prominenteng pamilya sa Cebu, pinili pa rin ng Pinoy Big Brother Unlimited Big Winner na si Slater Young ang makipagsapalaran upang tuparin ang kanyang pangarap na pumasok sa showbiz. Sa naging panayam sa kanya ng Showbiz Inside Report, ang kanyang naging pag-amin, “Dumating ako sa point of my life na naisip ko na I would be doing this for the rest of my life. I started engineering ever since I bata pa ako. I told my father I wanted to work in Manila but not for our company. I wanted to try it on my own, pumayag naman Dad ko.”

At nang napagdesisyunan niyang mag-audition sa PBB at nakapasa naman, naisip niya na ring huwag nang tumuloy, “I really thought of not going through it. Mom ko was against PBB, sabi niya, ‘What are you asking for pa everything is provided for you in Cebu, what do you want?’ Pero Dad ko, naintindihan niya.

At sa paglabas niya sa bahay ni Kuya dala-dala niya ang kanyang mga natutunan sa loob ng pinakasikat na bahay. “Follow your dreams talaga. For me it was a big risk on my part because I was giving up a lot. I was giving up the trust of my family and negosyo namin, I have to give up a lot, I lived in Manila away from my family.” Aminado din naman si Slater na nami-miss niya ang dati niyang buhay, “Minsan nakaka-miss. Kasi dati I own my time.”

At pagdating naman sa kanyang buhay pag-ibig inamin naman ng binata na nararamdaman niyang minsan ay habulin siya ng mga babae. Aniya, “Madami nagte-text sa akin even before PBB may lumalapit na. Meron dati sabi pwede ba na magpa-picture? Siyempre parang wow, picture. Maybe I’m ashamed to admit it but yeah, ego boosts din siya.”

Dumaan sa apat na seryosong relasyon si Slater ngunit ang pinakamasakit ayon sa kanya ay ang hiwalayan nila ng kanyang huling girlfriend na isang modelo. “Sa tingin ko sa lahat ng girlfriend ko siya ang minahal ko ng todong-todo. She is beautiful, down-to-earth, no pretentions, walang arte [but] we couldn’t just get along kahit na alam kong love niya ako. Even when we broke up mahal na mahal namin ang isa’t isa kasi after, we tried to communicate again pero wala na talaga.”

Ngunit kahit sa pinagdaanang ito ni Slater sa kanyang buhay pag-ibig inamin naman niyang bukas ang kanyang puso na magmahal muli ngunit wala pa munang particular na babae sa ngayon. “Wala pa, just looking. Hindi naman hinahanap pala yun sorry, hinahayaan lang.”

Inilahad din ni Slater ang mga gusto niya pang marating sa larangan ng showbiz. “For showbiz, kasi sinuportahan nila ako sa PBB and I hope they will still support me and they would like seeing me do acting kasi now wala pa talaga. I haven’t proven anything other than being in PBB.