• Home
  • Fresh Scoops
  • John Prats wants to move forward, enjoy singlehood, and work after recent breakup

John Prats wants to move forward, enjoy singlehood, and work after recent breakup

John Prats wishes ex-girlfriend Bianca Manalo happiness and hopes to be friends with her at the right time.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

6/12/2012 9:35 AM
John Prats wants to move forward, enjoy singlehood, and work after recent breakup


061212-john_main.jpgHindi itinago ni John Prats na mahirap ang maging masaya sa harap ng camera dahil kaka-break lang nila ni Bianca Manalo. “Mahirap talaga pero ganun talaga,” simula ni John during the pictorial of his upcoming teleserye, Angelito, Ang Bagong Yugto. “Sometimes you have to separate your personal life, lalo na sa trabaho ko kasi hindi naman ako pwedeng maglungkot-lungkutan at mag-emote-emote-an sa Banana Split kasi mukha naman akong sira ulo. But siguro dahil na rin sa surroundings ko, sa staff [na] light kasama at siguro ganito lang talaga ako as a person, positive lang ako.

Nagkakaroon din naman daw siya moments na malungkot, gaya ng tuwing nag-iisa siya. “May mga moments lang na minsan magsi-sink in lang sa ‘yo and that’s part of it, eh. Part namanyun ng process and then eventually happy na,” dugtong ni John.

Bukod kay Bianca, ang mga naging karelasyon na rin ni John na nauwi rin sa hiwalayan ay sina Shaina Magdayao at Rachelle Ann Go. “Siyempre nakakalungkot na ganun ang mga nangyayari and siguro totoo ang sinabi ni Miss Kris (Aquino), ‘pag blessed ka sa isang bagay, sometimes hindi lang talaga nagwo-work and sa isang bagay. But I’m hoping na for our happiness, of course happiness din naman niya ang wini-wish ko [kay Bianca], ‘yun lang. Sana maging okay lang ang lahat at lahat maka-move on na.

Ngayon ay focused muna raw ang actor-host sa kanyang trabaho at isasantabi muna ang love life. “Sobrang okay ako ngayon na marami akong ginagawa kasi ang focus ko andito lang talaga. Siguro blessing na rin siguro na wala akong ibang iisipin as in ito (work) lang talaga.”Dagdag pa ni John, magpapasaya muna raw siya ng ibang tao sa pamamagitan ng trabaho.

Mas pinipili umano niya ang maging masaya kesa naman sa malugmok lang siya sa kalungkutan. “Kasi ‘pag naglungkot-lungkutan ka, you invite negative stuff and never akong naging ganon. Sa lahat naman ng pinagdaanan ko, I tend to forgive and ang status ko ngayon, moving forward and trying to enjoy my singlehood and my work.”

Willing din daw siya na maging friends with Bianca at kahit daw mahirap ang maging kaibigan ang nakarelasyon, malaki raw ang tsansa na maging magkaibigan sila ni Bianca sa tamang panahon. Wala rin daw siyang pagsisisi sa naging relasyon nila ni Bianca dahil ibinigay raw niya ang lahat noong sila pa.