• Home
  • Fresh Scoops
  • James Yap breaks silence on annulment of marriage with Kris Aquino

James Yap breaks silence on annulment of marriage with Kris Aquino

The basketball player says he will adopt son Bimby to make him 'legitimate.'

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

2/9/2012 10:12 AM
James Yap breaks silence on annulment of marriage with Kris Aquino


020912-james_main.jpgInamin ni James Yap, dating asawa ni Kris Aquino na masaya siya sa naging desisyon ng korte na ipawalang bisa na ang kanilang kasal.

Pero ayon kay James nais din niyang ampunin ang anak na si James Yap Jr. o Bimby para hindi ito maging illegitimate child dahil sa pagkaka-anul ng kanilang kasal.
 
“’Yon ‘yung pinag-uusapan namin.‘Kung ia-adopt mo si Baby James, puwede rin ba akong mag-adopt?’ Paglaki niya siyempre, baka tanungin niya ako, ‘Bakit hindi mo ako in-adopt eh anak mo ako?Karapatan ko rin na i-adopt siya dahil anak ko siya,“ ani James sa exclusive interview ng ABS-CBN News.

Sa ngayon aniya ay masaya siya na natapos ng maayos ang lahat sa pagitan niya at ni Kris.

Tumatawag siya, tapos sabay ‘O congrats. Single na tayo.’ Sabi ko, ‘Congrats din.’ Sabi ko, ‘Masaya ka na.’ Sabi niya ‘of course.’"

Masaya din ang basketbolista na mas naging mabuti silang magkaibigan ni Kris matapos ang anullment lalo na para sa kanilang anak.

Aniya, focus sila ngayon sa pagiging mabuting magulang para kay Bimby.

Nagpapasalamat  din si James kay Kris sa pagpayag nitong mabigyan siya ng visitation rights.

“Happy naman ako dahil any time ay pinagbibigyan niya ako, pinagbibigyan ako ni Kris. Kung ako naman madali akong kausap,” ani James.