Sam meets Hollywood crush Brooklyn Decker

Sam Milby says he met the Victoria Secret Model in New York.

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

2/8/2012 9:59 AM
Sam meets Hollywood crush Brooklyn Decker


020812-sam-main.jpgHindi pa man tumatagal sa kanyang pananatili sa New York, nagbahagi na ng kasiyahan si Sam Milby matapos amining nakaharap na niya ang isa sa kanyang Hollywood idols na si Brooklyn Decker.

"Just met one of my biggest crushes. The gorgeous @brooklyndecker :)," ani Sam gamit ang kanyang official Twitter account.

Si Brooklyn ay mas kilala bilang modelo ng Victoria Secret at lumabas na din sa mga US shows gaya ng "Chuck," "Royal Pains" at "Ugly Betty."

Kasal sa tennis player na si Andy Roddick, gumawa na din ng Hollywood films si Brooklyn tulad na lang ng “Just Go With It” at “Battleship.”
 
Matapos ang tweet ni Sam, ibinahagi din ni Brooklyn ang kasiyahang makilala ang aktor.

@samuelmilby and I completely bombarded your meeting! Err whoops! Nice meeting you!,"  ani Brooklyn.

Kasalukuyang busy si Brooklyn para i-promote ang kanyang pinakabagong pelikula na “What To Expect When You're Expecting" samantalang nagsimula na si Milby na sumailalim sa mga audition para sa isang US TV show.