• Home
  • Fresh Scoops
  • Karylle says she admires the singing voice of her sister Zia Quizon

Karylle says she admires the singing voice of her sister Zia Quizon

Karylle believes sister Zia Quizon has an amazing voice and has the depth to give her songs some soul.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

2/8/2012 9:52 AM
Karylle says she admires the singing voice of her sister Zia Quizon


020812-karylle_main.jpgAminado si Karylle na maganda ang boses ng kanyang nakababatang kapatid na si Zia Quizon, ang bunso ni ZsaZsa Padilla at Dolphy na ngayon ay unti-unti nang nakikilala at naging regular mainstay sa ASAP. “Tuwang-tuwa ako kay Zia because she has the most amazing voice I’ve ever heard. When you hear her voice knowing how young she is, hindi nagma-match ‘yung depth kasi very soulful, hindi mo ‘yan makukuha sa technic,” pagbibida ni Karylle. “Ang paniniwala ko nga sa kanya is she’s an old soul.”

Kung meron man daw downside ang unti-unting pagsikat ni Zia ito raw ay ang hindi na nila pagkakaroon ng sapat na panahon para mag-bond. “Oo nga, eh, nami-miss ko na nga siya but there was one time that I actually hosted her mall show pero hindi ko naman masasabing host, parang barker nagbenta ako ng mga CDs niya,” sabay tawa ni Karylle na tinulungan ang kapatid sa pagpo-promote ng kanyang show.

Meantime, tila mas nagiging vocal na ngayon si Karylle sa kanyang relasyon with Sponge Cola vocalist Yael Yuzon. Ang rason naman niya, “Siyempre Valentines, kailangan kahit paano sumagot ako nang konti. Pero ‘yun nga ine-explain ko ano bang status, sabi ko I really don’t want to overshare. Based sa research ko na tsismosang palaka mahirap talagang masyadong mag-reveal. Alam mo ‘yon masyado na tayong maraming napanood at nasubaybayang love stories na ‘di maganda ang ending ‘pag masyado nating alam ‘yung kuwento,” rason niya.

Dagdag pa ni Karylle before, sagot lang siya nang sagot sa mga tanong hinggil sa kanyang relasyon subalit napagtanto niya na hindi ito nagiging maganda. “Sabi ko nga bigla kong naalala ‘yung sinabi ni Miss Susan Roces, she was the one who told me na when we did Mano Po a long, long time ago, sabi niya that it’s always good to keep a little bit of mystery. So ako naman when she said that, sabi ko bakit ‘yung kinuwestyon ko on my mind ngayon naiintindihan ko ‘yung wisdom na shini-share niya sa akin at that time.”