• Home
  • Fresh Scoops
  • Sarah Geronimo and Gerald Anderson are willing to have a date on Valentine's Day

Sarah Geronimo and Gerald Anderson are willing to have a date on Valentine's Day

If given the chance, Sarah and Gerald say that they are open to going out on a date.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

2/7/2012 9:54 AM
Sarah Geronimo and Gerald Anderson are willing to have a date on Valentine's Day


020612-sasa-main.jpgNagkaroon ng bagong segments sa bagong format ng The Buzz, na nagdiriwang ng kanilang ika-13 taon at isa dito ay ang “Buzz ng Bayan” na survey hinggil sa isang kontrobersyal na isyu kung saan makakaboto ang mga manonood.

At para sa pinakauna nilang survey, itinanong ng The Buzz kung naniniwala ba ang mga tao na may relasyon na sina Sarah Geronimo at Gerald Anderson. Ito ay pagkatapos mapansin sa kani-kanilang interview na pareho nilang sinasabi na espesyal sila sa isa’t isa. Dagdag pa rito ay umamin din ang dalawa na nagbigayan sila ng gift noong Pasko. Inamin ni Sarah na niregaluhan niya si Gerald ng isang t-shirt na ang kanyang inang si Divine pa ang namili, samantalang ang regalo naman ni Gerald kay Sarah ay isang Tiffany necklace.

Sinabi sa report ng The Buzz kahapon na isang reliable source ang nagsabi na diumano’y nakitang binantayan pa ni Gerald ang dressing room ni Sarah noong nakaraang linggo sa ASAP. Isa pa sa mga pruweba ay dahil tumigil na raw sa panliligaw kay Sarah si Miguel Villafuerte na noong nakaraang taon ay nagpadala pa ng cake sa bahay nina Sarah.

Itinanggi naman ni Sarah ang balitang binabantayan siya ni Gerald sa labas ng kanyang dressing room. “Once lang po ‘yun, nung Christmas po, nung inabot niya ‘yung Christmas gift n’ya,” ani Sarah.

Bilang paglilinaw, sinabi rin ni Gerald na hindi raw sila lumalabas ni Sarah. “Halos hindi kami nagkikita, parang once lang kami nagkita, nung isang araw lang.” Gayunpaman,  patuloy naman daw ang pagti-text nila at nagkukumustahan.

Hindi itinatanggi ni Gerald na espesyal daw talaga para sa kanya ang Pop Star Princess. Dagdag pa niya, binigyan din siya ng regalo ng ama ni Sarah pero ayaw niyang sabihin kung ano ito. Ginawa pa daw ang regalong ito mismo ng daddy ni Sarah. “Sobrang bait nila and I’m very honored sobrang bait nila sa akin.

Kung may pagkakataon daw, sinabi ni Gerald na willing siyang maka-date si Sarah sa darating na Valentine’s Day. “Kung magkaroon ako ng opportunity, syempre bakit naman hindi? Tsaka (kung) hindi siya busy.”

Pabor din si Sarah dito pero aniya, ang pagkakaalam niya ay may trabaho si Gerald on February 14. “Pero titingnan natin kung libre po ako. At (kung) libre naman siya bakit hindi? Kung pwede.

Nung matanong siya kung papayagan ba siya ng kanyang ina, sinabi ng actress-singer na umaasa siya na papayag ito pero tatanungin pa raw niya ito para sigurado.


Panoorin ang exclusive video sa The Buzz (click here)