• Home
  • Fresh Scoops
  • Jake Cuenca speaks up about Melissa Ricks's breakdown on ASAP

Jake Cuenca speaks up about Melissa Ricks's breakdown on ASAP

Jake Cuenca finally airs his side on the incident where ex-girlfriend Melissa Ricks cried in an ASAP episode.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

2/7/2012 9:55 AM
Jake Cuenca speaks up about Melissa Ricks's breakdown on ASAP


020712-jake_main.jpgNasa Pilipinas na ulit si Jake Cuenca matapos ang tatlong linggo pananatili abroad para mag-tape sa upcoming teleserye niya with Shaina Magdayao at Bangs Garcia. Tinanong na rin kay Jake sa ASAP noong linggo, February 4, ang hinggil sa insidenteng pag-iyak ng dating girlfriend na si Melissa Ricks a few weeks ago nang i-celebrate ng dating magkasintahan ang kanilang birthdays at nagkaroon ng magkasunod na production number. Hindi raw kasi inasahan ni Melissa ang nasabing insidente at pinagsama pa sila during the spiel.

“Okay na, alam mo mabuti na nga rin ‘yung siguro hindi na magsalita,” pag-iwas ni Jake. “It’s been three weeks already and ayokong gawing masamang alaala kasi birthday ko, birthday din niya, ayokong isipin na nega (negative). You know, nangyari ang nangyari, ganun talaga ‘di ba?

Sinabi ni Jake na nag-alala rin siya sa dating girlfriend kung kaya’t tinanong pa niya ang road manager ni Melissa kung okay lang ba siya. “Siyempre ayoko naman talagang malagay siya sa ganung sitwasyon. Kahit naman ako ayokong ilagay ang sarili ko sa ganung sitwasyon, (pero) ‘yun nga nangyari ang nangyari. Ako naman wala akong balak na pasamain ang loob niya,” pagpapatuloy ni Jake.

Hindi rin itinanggi ni Jake na may tampo siya sa nangyaring iyon. Sabi kasi ni Melissa, hindi siya inabisuhan ng staff ng programa na pagsasamahin sila ni Jake at tutuksuhin sa spiel. Nauna nang ipinaliwanag ni Nikki Gil noon na nakalagay sa script noon sa tutuksuhin sila Jake at Mel during the spiel.

May tampo ako, may konting tampo pero lumamig na ‘yung ulo ko. Basta sa amin na manggagaling kung magkakaayos kami [ni Melissa], hindi na sa TV. Maganda siguro kung magkakaayos kami in our time, in person, hindi ‘yung pinilit dahil may camera sa harapan mo.”

Nauunawaan din daw niya si Melissa kung sinabi rin niya rito noong isang interview na hindi pa siya handang maging friends na sila. “Nirerespeto ko kasi hindi naman pwedeng pilitin ang ganung bagay,” sagot ng aktor. “By all means I tried talaga but siyempre time heals all wounds. Hopefully one day maging maayos. But you know, no matter what, masaya ako para sa kanya. Ang ganda nung nangyayari sa kanya so sana tuloy-tuloy lang ‘yon.

Paniniyak ni Jake wala siyang dahilan para maging bitter sa hiwalayan nila ni Melissa dahil naging masaya naman siya. “Tulad ng sinabi ko dati para sa akin wala akong masamang alaala, with us, with anything. Wala talaga akong grudges pero again kailangan mo talagang magpakalalaki. Ibigay na lang sa babae ‘yung ganon.”

Nang matanong sa estado ng kanyang love life ang sagot ni Jake, “Right now I’m just really focusing on work. Tulad ng sabi ko, ang hirap magkarelasyon ngayon, eh. I’ve been gone for three weeks, parang ang hirap eh parang magiging long distance relationship lang.”