'It's Showtime' hosts ask for more time

Anne Curtis and Vice Ganda thank their supporters for continuing to watch 'It's Showtime!'

BY MIKA ESPERANZA

FRESH SCOOPS

2/7/2012 10:07 AM
'It's Showtime' hosts ask for more time


020712-showtime-main.jpgHumihingi ng pang-unawa at panahon ang mga host ng pinakabagong noontime show ng ABS-CBN na It's Showtime sa mga manonood para mas mapaayos pa nila ng husto ang bagong programa.

Gamit ang microblogging site na Twitter, naglabas ng saloobin ang ilan sa hosts tulad nila Anne Curtis at Vice Ganda sa isyung may ilang nagsasabing may sablay pa ang programa.

"Nasa adjustment period pa lang ang It's SHOWTIME. Kaya sana po maunawaan nyo kung may mga palpak. Pasasaan ba't magiging maayos din ang lahat," paliwanag ni Vice. Dagdag niya marami pa silang magagawa para mapaganda ang programa at gagawin nila ang lahat para mapasaya ang mga manonood. "Alam po namin [na] marami pa [kaming] kailangang i-improve sa programa. Marami pang dapat puliduhin. At gagawin namin yan [para sa] ikasasaya ng lahat." Nagpasalamat din ang resident judge-host ng programa sa lahat naman ng mga taong nagpakita ng pagmamahal at suporta sa kanilang bagong show."Maraming SALAMAT po Madlang People sa pagsuporta nyo sa It's Showtime. Sa mga nag-enjoy salamat! Sa mga di naaliw pasensya [na] po," ani Vice.

Pasasalamat din naman ang isinukli ni Anne sa mga taong nagbigay ng tapat nilang opinion para naman mas mapaaayos pa ang It's Showtime. Ayon sa aktres, pagpapatunay lang ang mga opinyon na concern ang mga manonood  sa kanilang ginagawa."Thank you to everyone that watched #itsshowtime today! We are all still adjusting and we are super thankful for you guys understanding us and giving us pointers! It makes us feel loved coz we feel your sincere concern for us!!! We can do this!!! #itsshowtime ?," Anne tweeted.

Nitong Lunes, umere ang pilot episode ng It's Showtime kung saan maliban sa mga bagong hosts na sila Ryan Bang at Coleen Garcia ay ipinakilala din ang mga bagong segment tulad ng "Singing V" at Sine Mo 'To."