Kris Aquino on having a new love: 'Ok ako on my own ngayon'

The actress-host reveals the details of her annulment plus her thoughts on PNoy dating Grace Lee.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

2/5/2012 9:05 PM
Kris Aquino on having a new love: 'Ok ako on my own ngayon'


020612-kris-main.jpgMaraming isiniwalat si Kris Aquino sa The Buzz this Sunday sa kanyang best friend na si Boy Abunda tungkol sa kanyang officially annulled marriage sa basketball player na si James Yap. Sinabi ni Kris na magkaibigan sila ng ama ng kanyang bunsong anak na si Baby James. “Magkaibigan na talaga kami kasi parang mas madali nang magkwentuhan.” Idiniin niya na magkaibigan na sila ni James kahit na annulled na sila. “Yes we are friends. I’d like to believe that it is possible for us to be the best of friends for the rest of our lives or at least as long as Bimby (Baby James) is alive.”

Sa pagkaka-annul ng kasal nila ni James sinabi ni Kris na ang naging basehan nito ay ang lack of authority of the solemnizing officer o ang nagkasal sa kanila. Naapruba rin daw ang separation of conjugal property nila isang taon na ang nakalilipas. Ang custody raw ni Baby James ay nasa kanya pero may visitation rights si James. Sa ngayon ang ginagamit na apelyido ni Baby James ay Yap subalit later on ay idadagdag niya rito ang apelyidong Aquino na sinang-ayunan ni James. “Pumayag naman siya (James) in principle na it’s Aquino-Yap.”

Hindi raw dahilan para magdiwang sila ni James dahil nangangahulugan daw itong failure ng kanilang marriage. Pero mas naging optimistic na daw siya ngayon sa bagong chapter ng kanyang buhay. “Ngayon magaan na,” ani Kris at sinabi pang excited siya sa mga madidiskubre niyang bago sa sarili. Masaya raw siya sa pagiging ina, pagiging aktress, at mahal niya ang kanyang karera. Umaasa rin si Kris na balang araw ay makikita niya ang taong talagang mamahalin niya at mamahalin siya. Pero sa ngayon ay Kris ayaw na muna niyang magkaroon ng relasyon.”I am grateful for the chance to be single and to have the chance to love again but if you ask me if I want to love again, not really.” Sabi pa niya, naiisip daw niya na baka hindi nakatadhana para sa kanya na maikasal o kaya naman ay magkaroon ng relasyon.  “Kasi okay ako on my own ngayon.”

Gayunpaman, sinabi niya mahusay siya sa pagiging isang ina. “I think even James will give me credit for that. Pero as far as being a wife or girlfriend is concerned ang hirap kasi andami ko pang gustong gawin,” ani Kris. Isa pa raw hadlang na magkaroon siya ng love-life ay dahil ayaw raw ni Baby James na magkaroon siya ng boyfriend sa ngayon.  Sinabi rin ni Kris na hindi na raw siya natatakot na tumanda nang mag-isa.

Ang birthday ni Kris ay sa Araw ng mga Puso at ipagdiriwang niya ito kasama ang dalawang anak at malalapit na kaibigan sa Tokyo Disneyland. Matutuwa raw dito ang sina Baby James at Josh at magandang regalo sa kanila bago simulan ni Kris ang paggawa ng kanyang teleserye.  Para naman sa kanyang birthday wish, ang sabi ni Kris, “I always pray for my sisters and brother. Gusto ko talaga they all stay healthy at parati kaming nakaapak sa lupa. I don’t want any of us to be jaded and I don’t want any of us to lose optimism. Ang bait-bait ni God talaga na ibinigay Niya ‘yung opportunity na job that I love.” Very thankful din ang Queen of All Media sa mga kapatid na talagang inintindi siya nang may mga pagsubok na dumating sa kanya pagdating sa usaping relasyon.