• Home
  • Fresh Scoops
  • Cloie Syquia-Skarne on dad Gabby Concepcion: 'I wanna meet him when the time is right'

Cloie Syquia-Skarne on dad Gabby Concepcion: 'I wanna meet him when the time is right'

Mother and daughter Jenny Syquia and Cloie Syquia-Skarne relate their wonderful experience in returning to the Philippines.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

2/5/2012 8:58 PM
Cloie Syquia-Skarne on dad Gabby Concepcion: 'I wanna meet him when the time is right'


020612-kc-1-main.jpgNaging guest sa The Buzz this Sunday ang mag-inang sina Jenny Syquia at ang anak niya kay Gabby Concepcion na si Cloie Syquia-Skarne na pumasok na rin sa showbiz. Ikinuwento ng mag-ina ang tungkol sa kanilang pagbabalik at ang muling pagkikita nina Cloie at half-sister na si KC Concepcion matapos ang maraming taon.

Ani Jenny, Twitter friends sila ng ina ni KC na si Sharon Cuneta. “Yeah I follow her on Twitter and I’m really happy she follows me,” pahayag ng dating aktres. Kuwento pa ni Jenny ilang beses na raw silang nakapag-usap ni Sharon sa telepono. Una ay noong binisita raw nila ni Cloie ang condominium unit ni KC. Sobrang na-excite raw si KC kung kaya’t tinawagan niya agad si Sharon. Over the phone daw ay sinabi ni Sharon kay Jenny na hindi na siya makahintay upang mayakap at mahalikan ang anak na nitong si Cloie. Ang pangalawang beses daw ay nang maghanap si Jenny ng concert tickets ni Megastar na magko-concert sa Cebu. Via KC ay nagkausap uli sila at inanyayahan daw ni Sharon si Jenny na makanood ng concert sa Cebu.

Kuwento pa niya, lumaki raw si Cloie na alam na mayroon siyang mga ate sa Pilipinas. Hindi raw nahirapan si Jenny na ipaliwanag ito dahil daw pareho sila ng karanasan ng anak. Dalaga na si Jenny nang makilala rin ang kanyang half-sister. “It was a situation I was familiar with. It was nothing to make Cloie feel strange about it.”  

Marami raw pagkakahalintulad sina KC at Cloie pagdating sa kilos at pananalita, ayon na mismo kay Jenny. “I have no explanation for that because they’re so alike in personalities. That’s one of the things I tweeted to Sharon. They’re not just look-a likes but they’re so similar. They have words that they both use. They sound alike, use the same words, they laugh alike, giggle a lot at the same things. It’s just magical and as a mother, it’s fantastic for me to see.”

Sa usapin naman ng kanyang ama, huli raw nakita ni Cloie si Gabby noong dalawang taon pa raw siya. “I haven’t talked to him since I left when I was about two. That’s how it is with us now.” Gayunpaman, bukas naman daw siya na makausap ang ama isa sa mga araw na ito. “I guess I must say it’s been a really long time. It’s been such a long time since I saw you (Gabby). Of course I wanna meet him when the time is right and I look forward to that moment.”

Sobrang excited naman ni Cloie sa kanyang bagong career. “Exciting. Everything is new to me, it’s my first time for so many things,” nakangiti niyang sabi. Masaya raw siya at kasama niya ang ina upang tulungan siya sa kanyang bagong career dahil pinasok din noon ni Jenny ang showbiz.  Pero sa ngayon, babalik muna si Cloie sa Hong Kong kung saan siya nag-aaral. Mayroon daw kasi siyang scholarship doon pero pagkatapos ng ilang buwan ay muling babalik dito upang ituloy ang kanyang career. Si Jenny ay umamin ding may balak mag-come back sa showbiz.