• Home
  • Fresh Scoops
  • Angel Locsin on Phil Younghusband: 'I'm officially happy and we're happy together'

Angel Locsin on Phil Younghusband: 'I'm officially happy and we're happy together'

The actress stresses that putting a label on her relationship with Philip Younghusband is not important at the moment.

BY BERNIE FRANCO

FRESH SCOOPS

2/5/2012 9:00 PM
Angel Locsin on Phil Younghusband: 'I'm officially happy and we're happy together'


020612-angel-main.jpg“I’m officially happy and we’re happy together.” Ganito inilarawan ni Angel Locsin ang relasyon nila ni Phil Younghusband sa mga patuloy na nagtatanong kung ano na ba ang status nilang dalawa. Marami kasi ang naguguluhan dahil kahit aminado ang dalawa na mahal na mahal nila ang isa’t isa ay idinidiin nilang hindi sila mag-boyfriend-girlfriend. “Hindi ko sinasabing ganito kami forever, siguro may mga bagay pa na hindi naaayos, na hindi pa naayon. ‘Pag naging official naman malalaman n’yo pero ito pa kasi ang nagwo-work sa amin okay na ako sa ganito,” paliwanag ni Angel.  

Dugtong ni Angel sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga sa The Buzz, “Siguro mahirap lang siya intindihin ng ibang tao na hindi pa nakaka-experience (ng ganito). Para sa akin kase para magmahal ka ng isang tao, para maipakita kung gaano ka nagki-care, kung gaano ka kamahal, ‘di n’yo kailangan ng labels, di kailangang maging kayo. Basta ipakita mo lang kung gaano mo siya kamahal, kung gaano siya nagma-matter. Oo pag-aari kita, pero ‘yung samin we’re beyond that eh.”

Samantala, ipinaliwag din ni Angel kung bakit click ang tambalan nila ni John Lloyd Cruz na naka-partner na niya sa teleseryeng Imortal. “Ewan ko nga ba, siyempre masaya, nagpapasalamat sa (mga sumusuporta sa) tandem,” simula ng aktres. “Magaling siyang mag-adjust, depende kung sino ang kasama niya and halos kung sino ma-pair sa kanya, bagay talaga sa kanya.” Sabi pa niya, ang anumang chemistry na nakikita sa kanila ni John Lloyd ay natural. “Never kami nagplano, never kami nag-rehearse or kahit sa promotions (hindi kami nag-usap na) ano kayang gagawin natin dito.”

Sa kanilang pelikula na Unofficially Yours mula sa Star Cinema at ipapalabas sa February 15, sinabi ni Angel na may mga intimate scenes talaga sila ni John Lloyd. Aniya, hindi na sila nagkaroon ng alinlangan ni John Lloyd sa pelikula.  “Hindi naman sa itinodo, feeling ko sinakto lang sa istorya talaga. Actually  ‘yun lang ‘yung inisip ko, dapat ‘di ako mahiya. ‘Pag nakaramdam ako ng hiya, ‘yung leading man ko siyempre mahihiya. Kasi ‘pag nakaramdam ang leading man ko na nahihiya ako, siyempre maiilang din siya sa akin."