• Home
  • Fresh Scoops
  • John Lloyd Cruz admits feeling extra pressure with his new movie

John Lloyd Cruz admits feeling extra pressure with his new movie

John Lloyd Cruz reveals what's different about his new movie, 'Unofficially Yours.'

BY KRISSA DONIDA

FRESH SCOOPS

2/4/2012 9:56 PM
John Lloyd Cruz admits feeling extra pressure with his new movie


020512-jlc_main.jpgInaabangan na ang Valentine’s movie offering ng Star Cinema na Unofficially Yours starring Angel Locsin and John Lloyd Cruz. December pa lang ay nilabas na ang unang teaser ng pelikula sa YouTube at nag-trending pa ito sa social networking site na Twitter kaya naitanong ng Push.com.ph si John Lloyd kung ano ang nararamdaman niya na marami nang nag-aabang sa pelikula nila ni Angel. “Parang madaling sabihin na maraming interesado, maraming curious, maraming nae-excite. Maganda yun pero sabi nga ni Direk, pag maraming nae-excite, maraming gustong manood, mas nakakapressure ‘no kaya siguro it’s a matter of managing kung paano mo iuutilize yung kaba, yung nerbiyos na sana mapunta sa pagiging productive kesa dun sa hindi maganda.

Sa dami ng mga box office hits ni John Lloyd, nakakaramdam pa ba siya ng kaba at pressure sa tuwing meron siyang bagong pelikula? “Oo kasi medyo kakaiba yung tema. Kakaiba para sa Star (Cinema) pero yung tema naman na yun familiar naman na yung audience sa ngayon. Saka kasi dati ‘di ba isang klase siya ng subject na hindi pinag-uusapan pero laganap ‘di ba? So finally matatackle sa isang pelikula so I’m very excited na maikwento natin ito sa paraan na kung paano gumagawa ng pelikula ang Star Cinema.”

Sa pagkaiba ng tema ng pelikulang ito, nagakaroon ba siya ng second thoughts na tanggapin ang proyekto? “Hindi naman ako nag-alangan, nagtanong lang ako sa dine-demand niya physically pero nung pumayag si Direk at yung creative team na hindi naman kailangan, yun.” Pabirong dagdag pa ni Lloydy, “Lahat ba ng tao perfect yung body? Sa akin kasi I don’t mind as long na okay sa inyo or hindi ito yung hinahanap ninyo or as long as okay lang sa inyo, I don’t mind. Talagang ano nga representative tayo ng karamihan ng mga lalaki.”

Dagdag ni Lloydy sa kanyang statement na siya ang representative ng mga lalaking walang six-pack abs, “Oo saka pinapauso ko ito e. Ito kasi madaling i-maintain.”

Naging malaking factor ang physical aspect sa tema ng pelikulang ito kaya naman natanong din ng Push si Lloydy kung pinaghandaan niya rin ba ito. “Well physically demanding yung proseso ng pagshoshooting tulad ngayon na halos araw-araw talaga kami so yun lang. Pero yung sa eksena it helps na huwag ka nang magpalaki na. So yun lang konting control here and there, okay naman daw e,” ang natatawang sagot ni aktor.

Tinanong din Push kung na-conscious ba siya sa pagpapakita ng katawan lalo na ang kasama niyang si Angel ay isa sa mga hinirang na sexiest sa buong mundo, “No, dapat kasi eksena pa rin yung mangingibabaw so minsan kapag bothersome na siya medyo siyempre iwasan mo na yun. Imbes sa emosyon napupunta yung manonood, nadidsitract ka. Medyo nakakadistract yung katawan ko e, ganun pala e,” ang natatawang sagot ni Lloydy.

Ni-reveal din ni Direk Cathy Garcia-Molina na sinadya niya na ang unang eksenang gagawin ay ang “one-night stand” na isa sa mga maselang bahagi ng pelikula. “At that time it felt na yun talaga ang kailangan e, yun na yung kailangang gawin muna dahil yun ang simula e, yun ang puno’t dulo ng lahat so malaking bagay na inuna yun and I don’t think na may ibang paraan, yun talaga ang dapat mangyari,” ang explanasyon ni Lloydy sa ginawa ng kanilang director.

Kailangang panoorin ang Unofficially Yours hindi lang dahil sa katawan ko kung hindi sa ibang banda o higit pa, masarap manood ng isang pelikula na kahit na anong panoorin makakarelate ka o mahahanap mo ang sarili mo sa isa sa mga karakter. Yun bang it’s very relatable and of course dumaan yan sa talino